Chapter 40

645 54 0
                                    

LINCLON'S POV

"L-lucy?!"

Akala mo nasa palabas na sigaw ni Kai habang naka-turo sya kay Whitelady na halatang nagulat dahil sa lakas nang boses nya!

Nanlalaki ang mata, medyo nakanganga ang bunganga at mukha tanga ngayon si Kai habang gulat na gulat syang naka-tingin kay Whitelady!

Akala mo nakakita nang multo amp!

Pero hindi ko sya masisi dahil kahit ako ay nagulat nang makita ko ang transformation ni Whitelady! Walang pinagkaiba ang reaction nya sa naging reaksyon namin nila Sanji kanina nang makita namin ang totoong itsura ni Whitelady!

Maganda sya! Hindi ganon ka-perfect ang mukha ni Whitelady pero maganda sya! May ilalaban sya kung itsura lang ang labanan!

Pero kahit ganon.. sya pa din ang nakaka-takot na Whitelady para sakin!

"Oo! Kailangan mo pa bang sumigaw?! Masyado kang maingay!" Inis na sabi ni Sanji!

Kaya natigilan si Kai at mukhang napansin nya ang naging reaction nya! Ibinaba nya ang hintuturo nya at kunwareng umubo kahit wala naman syang ubo!

"T-tch!"

"Tss! Moron!" Si Levis.

Hahahahaha! Tanga!

"At sino naman 'tong mga kasama mo?! Anong ginagawa nila dito sa Mansion?! Wala akong natatandaan na may party ngayon para magkaroon tayo nang mga bwesita!" Baling ni Sanji doon sa apat na lalaking nasa bandang may sofa na nakangiti samin at kinakawayan kami!

Feel na feel at home sila! Grabe! Tsk!

"Hi! I'm Kyle!" Sabi nong pinaka-maputi sa kanilang apat at may pagka-singit ang mga mata, mala koreano ang datingan nya.

Sya 'yong tipo nang lalaki na makalaglag panty pero ako? Bikini ang napapalaglag ko!

"Hi! Jacob nga pala!" Sunod na pakilala naman nong katabi nyang batak ang katawan at moreno.

Sya 'yong tipon na mala Manny Pacquiao ang suntok! Tulog ka agad!

"Rayver mga pare.."

I know him! Sya ang lagi kong nakikitang kasama ni Kai mapaloob o mapalabas man nang University! Tulad ni Kai, takaw gulo din sya at kilalang basagulero kaya nagkaka-sundo silang dalawa!

"Frank here!" Pakilala naman nong isa na lumalabas sa katawan ang pagiging isip bata!

Tsk! Isip bata!

Ngayon ko pa lang sya nakita pero ayaw ko na agad sa kanya! Kumukulo ang dugo ko sa kanya kahit wala naman syang ginagawa sakin! Basta naiinis ako sa tuwing nakikita ko ang nakaka-irita nyang mga ngiti! Pero kumunot ang noo ko nang tumingin sya kay Lucy at parang abnoy na kinawayan ito!

"Hi, Lucy! Natatandaan mo ba ako? Ako 'yon natakot sayo dati! Hahaha! Ang ganda mo ngayon ah! Bagay sayo ang walang bangs! Pa-picture ako mamaya ah?! Hehehe!"

Baliwwwww!

"Lucy! Hi!" Bati din sa kanya nong Kyle at Jacob!

"Oh? Wala ka nang bangs ah? Lalo ka tuloy gumanda, Lucy." Si Rayver naman!

Ano ba 'yan?! Hindi ko alam na close pala sila?! Tsk! Naiinis ako sa kanila! Anong oras ba sila aalis?!

"Tch! Tumahimik kayo!" Saway ni Kai sa kanila kaya natahimik naman sila at umayos na nang upo.

Ang Yaya Naming Scary! (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon