Chapter 82

135 5 0
                                    

LEVIS POV

*Tok! Tok! Tok!*

Nagising ako sa sunod sunod na katok nang kung sino sa labas nang kwarto ko. Inaantok akong umalis sa kama ko at kinuha ang puting tshirt ko na nasa upuan at sinuot ito bago ko binuksan ang pintuan.

"Ang tagal mo magising, Levis! Kanina pa ako parang tangang katok nang katok dito!" Inis na bungad sakin ni Sanji pero kumunot ang noo ko nang takpan nya ang ilong nya at nandidiri nya akong tiningnan.

"What?" Masungit na tanong ko.

"Kadiri ka, Levis! Amoy alak ka pa! Hindi ka man lang ba nag-shower bago ka natulog?! Ang baho mo! Nakaka-suka ka! Bwesit!"

Humikab ako at bored syang tiningnan. "What do you want?!"

"Alam mo ba kung anong oras na, huh?! Alas kwatro na nang hapon! Magga-gabi na pero tulog ka pa rin! Ang sarap na nang buhay mo masyado ah?! Hindi ka na nagalaw dito sa Mansion!"

"Wag mo nga akong sigaw sigawan! Tumatalsik sakin ang laway mo! Kadiri ka!" Sigaw ko sa kanya habang pinupunasan ang pisngi ko na natalsikan nang laway nya!

Ewww! Bad breath pa naman sya!

"Gago! Blessing 'yan!"

"Pwede ba kung walang ka namang sasabihing maganda ay umalis ka na! Bina-badtrip mo lang ako! Tss! Moron!"

"T-teka! Teka! Wag mo akong sarahan nang pinto! Walangya ka!" Pigil nya sakin nang akma kong isara ang pintuan ko!

"Ano ba kasing kailangan mo sakin?! Inaantok pa ako! Gusto ko pang matulog kaya kung pwede ay umalis ka na at hayaan mo na ako!"

"Aalis tayo kaya mag-bihis ka na! Kayong dalawa na lang ni Linclon ang hindi pa gumagalaw!"

Kumunot ang noo ko. "Why? Where will we go?"

"Kakain tayo sa labas."

"What? Sa labas? Bakit pa tayo kakain don kung may pagkain naman tayo dito sa Mansion?! Ang daming pwedeng kainin sa kusina! Pina-pagod nyo lang ang sarili nyo! Tss! Ang dami nyong kaartehan sa katawan!"

"Nakaka-sawa na kaya! Paulit-ulit na lang ang mga kinakain natin! Gusto ko naman nang ibang putahe!"

"Saan naman tayo kakain?"

"Hindi ko pa alam kung saan pero bahala na! Kung saan na lang tayo dalhin nang gutom natin--- T-teka! Bakit ba tanong ka nang tanong?! Gumalaw ka na lang! Bwesit ka!"

"Tss!"

"Mag-bihis ka na ah! Bahala ka sa buhay mo pag naiwan ka!" Maingay na sabi pa nya bago ko sya sinarahan nang pinto.

Bagay talaga sila ni Kaylin! Parehas silang maingay!

Dumiretsyo ako sa bathroom at naligo. Hindi na kasi ako nakapag-shower kaninang madaling araw dahil sa kalasingan. Hindi ko nga alam kung paano ako naka-akyat dito sa kwarto ko eh. Talagang na-basag ako kagabi.

Halos five na kasi kami nang madaling araw natapos uminom. Sa sobrang saya namin hindi na namin napansin ang oras. Kung hindi pa nga inawat ni Lucy si Kai, sure na aabotin kami nang umagahan. Mabuti na lang talaga at nasunod si Kai kay Lucy. Tss!

Ang Yaya Naming Scary! (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon