Chapter 68

193 7 3
                                    

SANJI'S POV

"May naghahanap na babae sayo sa labas nang room, Sanji." Lapit sakin nang President namin dito sa room habang nagse-selpon ako.

"Sino?" Tanong ko at nilagay ang phone ko sa bulsa ko.

"Hindi ko kilala eh, pero sabi nya girlfriend mo daw sya."

"H-huh?" Napanganga ako. "G-girlfriend? Pero wala akong girlfriend ngayon!"

"Basta labasin mo na lang sya! May sasabihin daw sya sayong mahalaga. Patay ka! Baka nabuntis mo 'yon! Hahaha!" Pananakot nya sakin kaya natatakot na napaatras ako!

"W-wag ka ngang mag-salita nang ganyan, Pres! Baka magka-totoo!"

"Patay ka! Hahahaha! Labasin mo na!" Asar pa nya sakin bago nya ako tinalikuran!

Kabado bente naman akong naglakad palabas nang room namin para labasin ang naghahanap sakin.

Sana hindi magka-totoo 'yong sinabi ni Pres! Ayoko pang maging tatay! Bata pa ako!

Pero nagsalubong ang kilay ko nang makilala ko ang taong nasa labas! Nandidiri ko syang tiningnan at nilapitan habang parang aso naman syang naka-ngiti sakin!

"What are you doing here, Kaylin?" Masungit na tanong ko kay Kaylin Claire Madisson, girl bestfriend ko at niyakap sya. "Girlfriend, huh?"

Tumawa sya. "Mali nang pagkaka-dinig 'yong President nyo, ang sabi ko girl bestfriend."

"Tsk! Puro ka kalokohan! Mabuti at naka-dalaw ka. Akala ko patay ka na eh!"

"Grabe ka naman sakin, Sanji! Hindi mo ba namiss ang bestfriend mo?" Nakangusong reklamo nya kaya napangiwi ako.

"Bestfriend my ass." Inis na sambit ko at mahina syang pinitik sa noo.

"Ouch! What's that for, Sanji?!"

"Akala mo ba nakalimutan ko na ang pang-iignore mo sakin nitong mga nakaraan araw?"

"Sorry na. Alam mo naman ang reason ko eh!" Nakangusong sabi nya.

"Kasi pinagseselosan ako nong jowa mong mukhang talampakan?!" Inis na sabi ko kaya mas lalo syang napanguso. "Hoy, Kaylin, ako 'to oh! Bestfriend mo ako oh! Kasama mo ako sa lahat diba?!" Inis na sambit ko habang tinuturo ang sarili ko!

"Sanji naman. Sorry na nga. Wag ka nang magalit!"

"Hindi ko kasi matanggap na talagang kinalimutan mo 'yong ilang years na pagkakaibigan natin para lang sa gunggong na lalaking 'yon?! Eh kung pag-untugin ko kayong dalawa?!"

"Sorry na nga kasi, Sanji! Wag ka nang magalit. Sorry puuuu!" Gaya nya sa boses ni Kathryn Bernardo at yumuko kaya pinigilan ko ang tawa ko!

"H-hindi mo ako madadaan sa pagpapa-cute mo, Kaylin."

"Talaga ba, Sanji? Talaga bang matitiis mo ako?" Sabi nya at nagmake face dahilan para matawa ako!

"Hahaha! Ang panget mo!"

"Ako si Kaylin unggoy! Huhuhaha!" Sabi nya umaktong parang unggoy habang natalon talon!

Ang Yaya Naming Scary! (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon