SANJI'S POV
Ano pa nga bang mas sasaya sa pagsisimba naming dalawa ni Lucy? Hahahahaha! Wala na! Pwede na akong mamatay sa sobrang saya!
Mabuti na lang talaga at nagpumilit akong sumama kay Lucy kasi kung hindi baka hindi ko nararamdaman ang ganitong kasayang feeling! Hahahaha!
Ang galing ko talaga. Sa pagkukulit ko ay napunta kami sa Simbahan. Hehehe!
"Hahahahahahaha!"
"Sanji?"
Pero natigilan ako nang marinig ko ang mahinang tawag sakin na 'yon ni Lucy. Nilingon ko sya at bakas sa mukha nya ang pagtataka.
"Bakit, Lucy?" Nakangiting tanong ko.
"Bakit natawa ka?"
"H-huh?"
"Nagmi-misa.. Bakit ka natawa?" Dagdag pa ni Lucy kaya natigilan ako at dahan dahang inilibot ang tingin ko sa Simbahang kinaroroonan namin ngayon.
Gusto kong magpakain sa lupa nang makita kong nakatingin sakin ang lahat nang tao!
Tsk! Nakaka-hiya!
At kung maka-tingin pa sila parang hinuhusgahan na nila ang buong pagka-tao ko kaya mabilis kong iniwas ang tingin ko sa kanila at kunwaring nakinig kay Father.
Badtrip! Nasa simbahan pala kami!
"Tingnan mo.. Naka-tingin ang lahat nang tao sayo.." Bulong ni Lucy sakin kaya mas lalo akong napahiya!
Natawa ko ba nang malakas 'yon? Tsk! Damn!
"S-sorry, Lucy. May iniisip kasi ako."
"Wag mo muna isipin ngayon 'yan.. Nasa Simbahan tayo.."
"Yes, Lucy!"
"At pagtatawa ka.. Hinaan mo.. Baka isipin nang mga tao.. baliw ka.."
"L-lucy?"
"Makinig ka na kay Father.." Sambit ni Lucy kaya tumingin na kami sa harap at nakinig nang mabuti.
Feel ko kasal na talaga kami ni Lucy. Hehehehe!
Pasimple kong nilingon si Lucy. Halos magsitalunan ang puso ko sa tuwa nang makita ko kung gaano sya katutok sa pakikinig kay Father. Napangiti ako at tumingin na sa harap.
Yes Father! I do! Hahahahaha!
MATAPOS nga ang isang oras na pagsisimba namin ni Lucy ay niyaya ko syang kumain sa Mall na malapit lang. Hindi naman sya tumanggi kaya mas lalo ako natuwa dahil madudugtungan pa ang date naming dalawa.
Pwede na talaga akong mamatay pagkatapos nito! Hehehehe!
"Anong gusto mong kainin, Lucy?" Tanong ko kay Lucy pagkapasok namin sa loob nang Mall.
"Hmm.. Ano ba?" Mahinang sambit nya habang natingin sya sa mga stall na nadadaanan namin.
"Hey look! Diba si Sanji 'yon?"
"Sanji? You mean si Sanji Monasterio?"
"What is he doing here?"
"Oh my god! Si Sanji Monasterio! Kyaaah!"
"Hey! Who's that girl beside him? She looks like a creep!"
"What's with her? Anong karapatan nya para tumabi sa Sanji ko?!"
BINABASA MO ANG
Ang Yaya Naming Scary! (On-going)
Teen FictionMagugulo ang tahimik na buhay nang apat na magpipinsang Monasterio ng may ipakilalang 'yaya' ang Lola Elizabeth nila sa kanila. Kung inaakala nyong normal ang magiging yaya nila, nagkakamali kayo dahil ibang iba sya sa mga yayang makikilala nyo. Is...