Chapter 39

648 62 3
                                    

KAI'S POV

"Awesome!" Namamanghang sabi ni Frank pagkapasok nila sa loob nang Mansion.

Tch!

"Wooooah! Ang Astig!" Sambit naman ni Jacob na naka-takip pa ang nakakuyom nyang kamay sa bibig nya. "Look, guys! Ang ganda nang hagdanan nila! Ang lakas maka-mayaman!"

"Tuleg! Mayaman talaga sila! Hahahahaha!" Tawa tawang sabi ni Kyle habang inililibot nya ang tingin nya sa kabuohan nang Mansion.

Ang oa nang mga 'to! Ngayon lang ba sila nakaka-kita nang Mansion?!

"Tch!" Asik ko at pasalampak akong umupo sa napaka-laki naming sofa dito sa engrande naming sala. Nagcross arms ako at kino-cross ko rin ang mga paa ko. "Magsi-upo na kayo!" Sigaw ko kila Frank pero parang wala lang silang narinig kaya mas lalo akong nainis!

"Hahahahaha!" Malakas na tawa ni Rayver habang naka-upo sya sa single na  sofa na nasa gilid ko lang. "Hayaan mo na lang muna silang maglibot-libot, Khairo. Minsan lang sila makakita nang Mansion eh, pag bigyan mo na."

"Tch! Ginagawa nilang Museum ang bahay namin." Inis na sabi ko habang pinapanood sila Frank na pakialamanan ang mga mamahaling mga gamit namin.

May mabasag lang talaga sila kahit isang bagay, bubugbugin ko buong pagka-tao nila!

"Grabe! Mamahalin halos ang lahat nang gamit nyo, Kai!" Parang tangang sabi sakin ni Frank.

"Kaya mag-ingat kayo kasi hindi na kayo makakalabas nang buhay dito kapag may nasira kayo." Nakangising sabi ko, nananakot.

At mukhang tumalab naman 'yon dahil natigilan sila Kyle at Jacob sa akmang paghawak nila sa vase na naka-display sa gilid nang napalaki naming pintuan. Natigilan rin si Frank na nasa second floor at mukhang may balak pang mag-slide sa hawakan nang hagdanan namin!

Tch! Ginawa pang playground nang hayop!

Isa isa ko silang sinamaan nang tingin kaya nagitla sila at bumalatay sa mga mukha nila ang takot!

"Lalapit kayo dito o lulumpuhin ko kayo?!"

"L-lalapit!" Sabay sabay na sigaw nila at kumaripas sila nang takbo papalapit samin at mabilis silang umupo sa mahabang sofa na katapat ko!

"Tch! Hindi ko kayo pinapunta dito para pakialamanan ang mga gamit na nandito!" Inis na sabi ko.

"E-eh.. Sorry naman, boss! Ang gaganda eh!" Sambit ni Jacob na nakamot pa sa batok nya!

"Oo nga, boss! Gusto ko ngang magnakaw eh! Antimano tiba-tiba ako kapag binenta ko ang isa sa mga gamit nyo! Hehehehe!" Nakangiting sambit naman ni Frank.

I smirked. "Gusto mo?"

"Opo, boss! Kahit plato lang, okay na sakin! Hehehe! Pamasko nyo na lang sakin! Malapit naman nang mag-pasko! Hehehe!"

Sinamaan ko sya nang tingin. "Baliin ko mga buto mo?"

Natigilan sya. "A-ah.. E-eh.. Hehehe! Joke lang, boss! Peace!" Parang tangang sabi nya at nag-peace sign!

Inis kong tiningnan si Rayver. "Ano 'yong impormasyon na sasabihin mo sa akin?! Sabihin mo na! Inaantok pa ako! Wala pa akong masyadong maayos na tulog!"

Ang Yaya Naming Scary! (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon