Chapter 55

379 23 5
                                    

LUCY'S POV

"So you take this and substitute it to.."

*SNOOOOOREEEE!!!*

Nawala ang atenyson ko sa lesson namin sa harapan at napalingon ako kay Kai nang marinig kong humilik sya. Palihim akong napangiti nang makita ko kung gaano kaamo ang mukha nya habang natutulog sya.

Ang bait talaga nyang tingnan kapag tulog sya.. Pero kapag gising naman sya.. Haaayss! Ayoko na lang mag-salita..

Napatitig ako kay Kai. Parang ngayon ko na lang ulit nagawang titigan ang mukha nya simula noong makilala ko sya. Paano ko naman kasi sya matitigan dati eh, palagi syang galit sakin at sinisinghalan nya agad ako kahit wala naman akong ginagawa sa kanya. Kaya nga hindi ako sanay sa ugaling pinapakita sakin ni Kai ngayon. Ang bait nya masyado at hindi ko maintindihan ang ibang kinikilos nya.

Masyadong kakaiba..

Napatingin ako sa mahabang pilik mata ni Kai na agaw pansin talaga. Napaka-ganda kasi at bagay na bagay sa kanya. Sunod naman akong napatingin sa kilay nyang nagiisang linya na naman sa sobrang salubong.

Kakaiba talaga sya. Tulog na sya lahat lahat, salubong pa rin ang kilay nya. Parang wala ngang araw na hindi ko nakikitang galit ang kilay nya. Para syang may galit sa mundo at akala mo pinaglihi sa sama ng loob.

Bumaba ang tingin ko sa ilong nyang mala-Eiffel tower sa sobrang tangos. Pero ang talagang nakakuha ng atensyon ko ay ang mapupula labi nya.

Napatitig ako dito. Sobrang pula nang labi ni Kai kahit wala syang nilalagay na kung ano dito. Ang ganda pa nang pagkaka-korte kaya talagang mamangha ka. At sigurado akong malambot ito kapag hinawakan ko. Natigilan ako.

Kapag.. hinawakan ko?

Dahil sa naisip kong 'yon ay kusa na lang gumalaw ang kamay ko para dahan dahang hawakan ang labi ni Kai na walang kaalam alam sa nangyayari.

Alam kong mali ang ginagawa ko pero parang may sariling utak ang kamay ko at hindi ko ito mapigilan.

"Ms. Monasterio! You're not listening!" Pero mabilis kong naibaba ang kamay ko nang marinig kong sumigaw ang Lecturer namin! Sumalubong sakin ang nakakamatay na tingin nya pagka-lingon ko sa kanya at kahit ang mga classmate ko ay naka-tingin din sakin. "Ano ba 'yang pinagkaka-abalahan mo dyan at mukhang busing-busy ka?!" Galit na tanong nya sakin dahilan para mas lalo akong mapahiya.

"W-wala po, Miss.."

"Gusto mo bang lumabas muna kami?! Mukhang nakaka-abala pa kami sayo eh! Nakakahiya naman!"

"H-hindi po, Miss.."

"Kung ayaw mong makinig sa lesson ko, you're free to leave! Hindi kita pipigilan! Kaysa naman 'yong nandyan ka nga pero kung ano anong kalokohan naman ang ginagawa mo! Nakaka-abala ka lang sa klase ko! Dumagdag pa 'yang isang kadugo mo dyan na ang lakas lakas palaging matulog sa klase ko!"

"S-sorry po, Miss.."

"I don't need your apology! Ang kailangan ko sayo ay makinig ka nang mabuti sa mga lessons ko dahil hindi naman ganoon katataas ang mga scores mo para magpachill-chill ka lang dyan at gumawa nang kung ano anong kabalastugan!"

"S-sorry, Miss.."

Hindi ko na napansin ang oras pagkatapos akong bulyawan nang Lec namin. Masyadong akong natutok sa mga nagdaang lessons namin dahil natatakot na akong mapagalitan ulit. Grabe din naman kasi talaga ang hiyang naramdaman ko nang mga oras na 'yon.

Ang Yaya Naming Scary! (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon