Chapter 35

673 61 5
                                    

LINCLON'S POV

"Goooood morniiiing eveeryoonneee!" Masayang bati ko kila Sanji at Levis pagkarating ko sa Dining Area.

Naabutan ko silang dalawa na kumakain na. Napasimangot ako nang hindi man lang nila ako nilingon at parang wala lang silang pakialam sa presensya ko!

"Tss! Ang ingay mo." Masungit na saad ni Sanji sakin habang may kinakain siyang saging!

Tsk! Bagay sa kaniya! Mukha siyang unggoy eh!

"Tsk! Ano bang pakialam mo?!" Nakangusong asik ko saka ako umupo sa katabing upuan ni Levis at nginitian ko siya. "Good morning, nerd!"

He glared at me. "Shut up!"

Napanguso ako. "Ang sungit mo naman! Binabati lang kita eh!"

"Don't talk to me!"

"Edi huwag!" Inis na saad ko saka ko inilibot ang paningin ko sa dining area nang mapansin kong wala si Whitelady. "Nasaan si Whitelady?"

"Upstairs. In her room." Sagot ni Sanji.

"What is she doing?"

"Dressing up."

"What? Anong oras na ah?"

"Late na siya nakapag-ayos kasi naghanda pa siya nang mga baon natin." Paliwanag ni Sanji ngunit kumunot ang noo ko nang bigla niya akong samaan nang tingin. "At puwede bang tigil-tigilan mo na ang kakatawag mo kay Lucy nang Whitelady dahil hindi na ako natutuwa sayo! Para kang timang!"

"Bakit ba? Eh 'yon ang gusto kong itawag sa kanya eh!" Nakangusong saad ko.

"Titigilan mo ang kakatawag sa kaniya nang Whitelady o ipapakain ko sayo 'tong tinidor na hawak ko?!"

"Ang sama nang ugali mo!"

"Tsk! Bading ka talaga."

"Pero anong ibig mong sabihin sa baon, Sanji? Magba-baon tayo?" Excited na tanong ko!

"Oo nga! Bingi ka ba?! Tsk! Magbabaon tayong apat kaya huwag kang magrereklamo!"

"Hindi ako nagrereklamo, ano!" Depensa ko saka ako bahagyang lumapit sa kaniya. "Si Whitelady ang nag-luto?!"

Masarap ang mga nilulutong pagkain ni Whitelady kaya ganito ako kasaya!

"Hindi.. Luto ko!" Nakangising sambit ni Sanji kaya natigilan ako!

"Ano?! Ayoko! Itapon mo 'yan!"

"Gago! Ang sama mo!" Inis na sabi ni Sanji at inambahan nya ako na babatuhin nang baso kaya mabilis kong dinepensahan ang sarili ko habang natawa!

"Joke lang, Sanji! Hahahahaha!"

"Mukha mo! Siraulo ka!"

"Good morning.."

Nagsi-tayuan ang mga balahibo ko sa katawan ng marinig ko ang nakakapanindig at nakakatakot na boses na 'yon!

Dahan dahan ko syang nilingon at nalaglag ako sa kinauupuan ko nang bumungad sakin ang nakakatakot na itsura nya!

"Waaaaaah! Whitelady!"

W-whitelady?!

Inis kong tiningnan si Whitelady nang mapansin kong sya lang pala 'yon. "Ano ba, whitelady?! Bakit ka nananakot?! You startled me!"

Ang Yaya Naming Scary! (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon