LUCY'S POV
"Oh my god! Si Lucy!"
"Classmate natin sya?"
"Kyaaaaah! We're so lucky!"
"I envy her! Isipin mo kasama mo sa iisang bahay ang apat na Monasterio?! Huhuhu! She's so lucky!"
"Oo nga! Huhuhu!"
"How to be you po, Lucy?"
Hindi ko alam ang gagawin ko sa magkabilaang bulungan nang mga classmate ko habang hinihintay namin ang pagdating nang first teacher namin.
Kanina pa ako nakarating sa room at kanina pa din nila ako pinaguusapan. Naiilang tuloy ako at hindi ko alam kung ano bang dapat ang maging kilos ko dahil ang daming taong nakatingin sakin ngayon.
Nauutot pa naman ako sa sobrang ka ba..
"Stem 1101?"
Pero napatingin kami sa pintuan nang may magandang babaeng naka-tayo doon at inililibot ang mata nya sa buong room namin na tila ba may hinahanap sya. Sino sya? Classmate din namin?
"Oh my god! Si Ms. Charlotte!"
"Charlotte?" Mahinang sambit ko.
"Yes, Ms. Charlotte! Stem 1101 po ito!"
"Great." Nakangiting sambit nya at walang sabing pumasok nang room namin na tila ba pagmamay-ari nya ito. Pero teka nagkita na ba kami dati? Parang pamilyar kasi sya sakin.
"What is she doing here?"
"I don't know. Baka binibisita ako!"
"Wag ka ngang assuming, Lea. Walang oras si Ms. Charlotte sa mga katulad mong panget."
"Parang ang ganda mo naman, Lyka!"
"Hi po, Ms. Charlotte! What's bring you here po?"
"Oh? Hi. I'm looking for someone." Nakangiting sagot nya sa classmate kong babae habang iniisa isa nya ang mga mukha namin. Anong ginagawa nya?
"Ako po ba 'yong 'someone'?"
"No. Hehehe! I'm looking for my cousin." Sagot nya.
Pero kumunot ang noo ko nang sabay sabay na napalingon sakin ang mga classmate ko dahilan para mapatingin din sakin si Charlotte.
Nagtaka ako nang manlaki ang mga mata nya at sumaya ang mukha nya habang naka-tingin sya sakin. Bakit ganyan sya maka-tingin? Kilala ba nya ako?
"There you are!" Masayang sambit nya pa bago sya lumapit sakin dahilan para mapunta sakin ang atensyon nang mga classmate ko.
Bakit sya nalapit sakin? Sino sya?
"You're Lucy, right?" Nakangiting tanong nya pagkadating nya sa harap ko at niyakap ako!
A-anong..
Dahil sa sobrang lapit naming dalawa mas lalo kong nakita kung gaano sya ka-perfect na tao. Brown at kulot ang buhok. Payat pero sexy. Mahaba ang pilik mata. At sobrang ganda nang pagkakahulma nang mukha nya. Sobrang ganda nya, na kahit pati boses nya ay ang sarap pakinggan. Nahiya tuloy ako sa itsura ko.
Hindi ko alam na may iba pang katulad sila, Kai.. Mga perfect na tao. Pero anong kailangan nya sakin? At paanong kilala nya ako?
"K-kilala mo ako?"
"Of course! Were cousins! Duh!" She smiled at me. "I'm Charlotte Monasterio. Older brother of Linclon. Nice too meet you!"
BINABASA MO ANG
Ang Yaya Naming Scary! (On-going)
Teen FictionMagugulo ang tahimik na buhay nang apat na magpipinsang Monasterio ng may ipakilalang 'yaya' ang Lola Elizabeth nila sa kanila. Kung inaakala nyong normal ang magiging yaya nila, nagkakamali kayo dahil ibang iba sya sa mga yayang makikilala nyo. Is...