LUCY'S POV
Lumipas ang mga araw at hindi ko na namalayan na Sabado na pala. Masyado kasi akong na-busy sa pag-aasikaso sa apat na mga Master ko at sa pag-aaral ko.
Hindi madaling pagsabayin ang pagiging yaya at ang pag-aaral ko pero kinakaya at pinipilit ko para hindi masayang ang binigay na pagkaka-taon at pagtitiwala sakin ni Mrs. Elizabeth.
Maraming nangyari sa nagdaang linggo. Nandon yon sabay sabay na activity na binigay samin ng mga Prof namin at mga pahirap na pahirap na lesson.
Nadi-drain na ang utak ko sa mga lesson na itinuturo samin ngayon sa school. Malapit na kasing ang exam kaya tinuturo na lahat ng mga Prof namin ang mga pwedeng lumabas sa exam.
Napa-buntong hininga ako. Araw ng sabado ngayon pero hindi kami pwedeng magpahinga or mag-saya dahil maraming pinauwing assignment at activity samin ang mga teacher namin.
Ang hirap mag-aral..
Napa-tingin ako sa mga hotdog na niluluto ko at isa isa silang nilagay sa plato.
Gusto ko na lang maging hotdog para wala akong problema..
"Haaaaayyssss.." Buntong hininga ko.
"What's the matter, Lucy?"
Napalingon ako kay Sanji na papalapit sakin at kinuha ang plato ng hotdog at spam. Nag-presinta kasi si Sanji na sya daw ang bahalang mag-ayos ng lamesa para hindi na ako mahirapan.
"Wala naman.." Mahinang sagot ko at pinatay ang kalan.
"Are you sure? Kanina ko pa kasi napapansing matamlay ka, Lucy. Sigurado ka bang wala ka talagang sakit?"
Umiling ako at nangunang pumunta sa Dinning area habang dala ang mga inumin nila. Coffee para kila Sanji at milk para kay Kai.
*Flashback*
"Yes! Nagse-selos ako, Lucy! Selos na selos ako na halos gusto ko na syang pilipitan nang leeg!" Galit na sigaw ni Kai kaya natigilan ako. Napaintag ako nang marahan nyang hawakan ang pisngi ko habang walang buhay syang naka-tingin sa akin. "I'm not a f*cking jealous man, Lucy. I have never f*cking envied someone for what they f*cking have or who they're with.. and yet.. I'm jealous at every f*cking person you smile at. Any time anyone looks at you, or speaks to you. Every laugh I don't f*cking hear. Every breeze that touches your skin and every sound that pours through your lips. It. Is. F*cking. Maddening!"
"A-ano.. anong pinagsasabi mo, Kai?" Naguguluhang tanong ko. Hindi ko sya maintindihan. "G-gutom ka ba?"
"I like you, Lucy."
"A-ano?" Gulat na bulaslas ko. "Kai.. A-ano bang pinagsasabi mo dyan? W-wag ka ngang mag-biro! Haha! G-gutom ka lang siguro.. Gutom ka no? O-oo. Gutom ka lang! H-haha! T-tara.. Kumain tayo sa Cafeteria. W-wala pa din akong kain eh.. K-kung ano ano na lang tuloy ang naririnig ko. H-hehehe!" Parang baliw na sabi ko at tinalikuran sya!
"I really like you, Lucy. I'm not joking." Ulit ni Kai dahilan para matigilan ako sa pag-hakbang.
Nilingon ko sya pero nagulat ako ng makita kong sobrang lapit nya na sakin! "A-aah!" Sigaw ko at napahakbang palayo sa kanya dahilan para matumba ako!
BINABASA MO ANG
Ang Yaya Naming Scary! (On-going)
Teen FictionMagugulo ang tahimik na buhay nang apat na magpipinsang Monasterio ng may ipakilalang 'yaya' ang Lola Elizabeth nila sa kanila. Kung inaakala nyong normal ang magiging yaya nila, nagkakamali kayo dahil ibang iba sya sa mga yayang makikilala nyo. Is...