Chapter 32

636 61 2
                                    

LUCY'S POV

"Tsk! Nasaan na ba 'yong bwesit na iyon?!" Inis na sabi ni Sanji habang nandito kami sa loob ng Cafeteria at hinahanap si Kai.

"Mukhang wala sya dito, Sanji.." Sambit ko habang naghahanap din.

"Hindi! Nandito 'yon, Lucy! Sure ako! 100%! Patay gutom 'yon eh!"

"Pero bakit hindi natin sya makita.."

"Baka tinabunan na 'yon ng mga pagkain nya!"

"Tss. Bakit ba hinahanap pa natin sya?" Masungit na tanong ni Levis na nasa tabi ko at bagot na bagot na naman.

Hindi daw kasi namin papaalisin si Levis hangga't hindi namin nakikita si Kai kaya kasama namin sya ngayong naghahanap. Hindi din naman makawala si Levis kay Sanji dahil hawak ni Sanji ang bag nya at wala syang choice kundi ang sumama samin.

"Kasi kailangan!" Sambit ni Sanji at nilingon nya si Levis. 'Yong sobrang lapit dahilan para magka-dikit ang mukha nilang dalawa. Napayuko pa ako para hindi ako makasagabal sa kanila. Nasa gitna nila kasi akong dalawa. "Kailangan natin syang mahanap bago pa mahuli ang lahat!"

"Get off!" Inis na tulak ni Levis kay Sanji.

"Anong ibig mong sabihin sa bago mahuli ang lahat, Sanji?" Tanong ko kaya napunta sakin ang atensyon nilang dalawa. Kung hindi kasi ako sasabat ay walang sawang away na naman ang mangyayari sa pagitan nila.

"Sure kasi ako na magka-cutting 'yong bwesit na 'yon, Lucy, kaya kailangan natin syang mahanap bago pa sya maka-labas ng University!"

"Mukhang hindi naman gagawin ni Kai 'yon.." Sambit ko.

"Hindi mo kilala ang kumag na 'yon, Lucy. Siraulo 'yon, tamad pumasok at certifed na nagka-cutting!"

"Talaga?"

"Oo, Lucy!"

"Kyaaaaaaaaaaah!"

Sabay kaming napalingon nila Sanji at Levis sa kumpulan ng mga babae sa gitnang bahagi ng Cafeteria ng may sumigaw sa kanila.

Mukhang may pinagkukumpulan silang kung sino doon dahil sa ingay at mga tili nila.

"Oh my god! Ang gwapo nya kahit ang dami nya kumain!"

"Mas lalo akong naiinlove sa kanya!"

"Kai! Kainin mo din ako!"

"Ang cute nya! Naiiyak ako!"

"Tsk! Tara, Lucy!" Hinila ako ni Sanji papunta sa mga kumpulan ng babae.

"Tss!" Walang choice na sunod ni Levis samin.

"Aha! Sabi ko na nga ba ikaw yan!" Inis na sabi ni Sanji kay Kai pagka-kita namin sa kanya. "Patay gutom ka talaga!"

"Anong ginagawa nyo dito?!" Salubong ang kilay na tanong samin ni Kai habang puno ng pagkain ang bibig nya.

"Itigil mo na 'yan! Tara na! Magsisimula na ang klase! Sumabay ka ng pumasok samin!"

"At bakit naman ako susunod sayo, manyakis?!"

"Dahil sinabi ko kaya sumunod ka na lang kung ayaw mong kaladkarin pa kita!"

"Tch! Hindi ako natatakot sayo." Maangas na sabi ni Kai.

"Gago ka---" Pinigilan ko si Sanji ng akma nyang susugurin si Kai na naka-tayo na at handa ng makipag-laban.

"Tama na.." Mahinang sabi ko.

"Wait.. Bakit biglang lumamig?"

"Oo nga eh! Kanina naman ay hindi ganito kalamig dito!"

"God! It's cold."

"Sumabay ka na samin Kai---"

"Tumabi ka!"

Pero nagulat ako ng bigla akong tulakin patagilid ni Kai dahilan para ma-out of balance ako. Mabuti na lang at mabilis akong nasalo ni Sanji. Habang si Levis naman ay hawak ang isang braso ko kaya hindi ako tuluyang natumba.

"Are you okay, Lucy?!" Nag-aalalang tanong sakin ni Sanji.

"H-hmm.." Tumango ako at umayos ng tayo.

Sinamaan ng tingin nila Sanji at Levis si Kai na naka-titig sakin at halatang nagulat sa ginawa nya.

"Gago ka! Bakit mo tinulak si Lucy?" Galit na sigaw ni Sanji.

"Tch! M-mga walang kwenta!" Utal na sambit ni Kai at para syang wala sa sariling lumabas ng Cafeteria.

Hindi ko talaga sya maintindihan..








KAI'S POV

"Tch! What the hell is wrong with me?!" Inis na tanong ko sa sarili ko habang naglalakad ako papunta kung saan.

Wala na akong pakialam kung saan man ako dalhin ng mga paa ko dahil masyado akong naiinis sa sarili ko at sa nararamdaman ko. Hindi dapat ako naawa sa walang kwentang yaya na 'yon pero bakit nakaramdam ako ng awa sa kanya kanina matapos ko syang i-tulak?

"Dahil yaya nyo ako, responsibilidad ko kayong alagaan kahit ano man ang mangyari.."

Biglang pumasok sa isipan ko ang sinabing iyon ni Lucy. Pati ba naman sa utak ko, nambubwesit ka. Umiling iling ako habang ginugulo ko ang buhok ko.

"Boss, mukha kang tanga! Itigil mo yan!"

Pero mas tumindi ang inis ko ng makita ko ang mga pesteng pagmumukha nila Frank na nakaabang sakin hindi kalayuan.

"Hahahahaha!" Si Jacob!

"Tara na boss! Mag-cutting na tayo!" Si naman Kyle.

"Bilisan mo, Kai! Isasara na ang gate!" Si Rayver habang sinesenyasan pa akong lumapit!

Hindi ko sila pinansin at lumiko ako palihis sa direksyon nila kaya nagulat sila at tinawag ako. Magka-cutting ako mag-isa. Mas lalo lang akong maiinis pag kasama ko sila.

Pero taliwas sa sinabi ko ang ginawa ko dahil nakita ko na lang ang sarili kong naka-tayo sa tapat ng room ko at nakikipagtitigan kay Lucy na naka-upo malapit sa pwesto ko!

What the hell is happening to me?!






To be continued..

Ang Yaya Naming Scary! (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon