Chapter 84

125 6 0
                                    

LUCY'S POV

"Ahhh! Monday na naman!" Malakas na sabi ni Linclon habang nag-iinat sya. Naglalakad na kami ngayon papunta sa University. "Nakapag-review na ba kayo para sa exams, guys?" Lingon samin ni Linclon.

Ganto ang pwesto namin habang naglalakad. Si Linclon, Ako, Kai, Levis, Sanji at si Kaylin.

"Wala ano lang, prayers." Biro ni Kaylin kaya natawa kami.

"Sira! 'Yung totoo nga, Kaylin!"

"Syempre hindi pa. Aasa na lang ako sa stock knowledge ko. Duh!" Maarteng sabi ni Kaylin.

"'Yung stock knowledge ko, out of stock na." Nakangiwing sabi naman ni Sanji.

"Bakit ba naman kasi napaka-hirap mag-review?! Walang pumapasok sa utak ko kahit anong gawin ko! Hindi ako makapag-focus ng maayos!" Nakangusong sabi ni Linclon.

"Madali lang naman mag-review, Linclon. Intindihin mo lang ang sinasabi nang libro. Isa puso mo. Ganon!" Nakangiting sabi ni Kaylin.

"Tch! Bobo ka lang talaga, Linclon! Syempre wala talagang papasok dyan sa maliit na utak mo kung bobo ka! Wag mo nang pilitin mag-review, mangopya ka na lang! Doon siguradong papasa ka pa! Hahahahaha!" Pang-aasar naman ni Kai sa kanya.

Pasmado talaga ang bunganga ng lalaking ito..

"Wow! Parang ang tali-talino mo ah?" Sarcastic na sabi ni Linclon kaya nainis si Kai.

Ang lakas mang-asar pero asar talo naman..

"Hindi, Linclon! Ganito na lang, simula munang mag-dasal ngayon! Tawagin mo na ang lahat nang santong kilala mo! Nadadaan naman sa dasal 'yan eh! Manalig ka lang! Sabihin mo kay Lord na wag kang ibabagsak! Hahahaha!" Asar ni Sanji sa kanya.

Haayy nako..

"Ikaw ang ipagda-dasal ko! Sasabihin ko kay Papa Jesus na sana kuhanin ka na nya!" Ganting asar ni Linclon pero tinawanan lang sya ni Sanji. "K-kapag bumagsak, edi bagsak! Hahahaha! B-bakit mo naman hahadlangan 'yong plano sayo ni L-lord?" Taas noong sabi ni Linclon.

"Tss! Moron." Asik ni Levis.

"Sinabi mo 'yan, Linclon, ah?! Hahahaha! Tingnan na lang ang galit sayo ni MommyLa kapag nalaman nyang bumagsak ka. Hahahahaha! Baka biglang umuwi 'yon dito sa Pilipinas para lang banatan ka!" Tawa tawang sabi ni Kai at humawak sya sa balikat ko. "'Yung alaga mo, Lucy, mukhang kulang sa kain! Kung ano ano na ang mga sinasabi! Hahahahahaha!"

Napangiti na lang ako dahil sa itsura ni Kai. Para kasi syang batang tuwang tuwa. Napapa-tingin na nga ang mga ibang students samin dahil sa lakas nang tawa nya.

Ang cute nya..

"Ang babait nyong mga pinsan, ano? Nakaka-touch kayo! Sobra! Gusto ko kayong sakalin sa leeg! Mga thirty minutes hanggang mag-violet kayo! Bwesit kayo! Pabigat kayo sa mundo!" Inis na sigaw ni Linclon sa kanila pero tinawanan lang sya nila Kai at Sanji.

"Sama sama na lang tayo mag-review mamaya sa Library pagka-uwian!" Biglang suggest ni Kaylin at isa isang tiningnan sila Linclon. "Wala naman siguro kayong gagawing diba?"

Huminto kami sa paglalakad pagkarating namin sa tapat ng GAS Building, sa building ni Linclon.

"Wala." Sagot ni Levis.

Ang Yaya Naming Scary! (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon