Chapter 59

326 18 4
                                    

LINCLON'S POV

"Hey, Linclon! Here!"

Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses na yon at nakita ko sila Caden na kumakaway sakin. Lumapit ako sa kanila at nag-manly hug kami.

"Oh? Anong meron? Bakit tayo pinapapunta dito sa Gym?" Tanong ko.

Dito kasi ako dumiretsyo matapos kong mabasa ang chat nila sakin na dito daw kami magkita kita sa Gym dahil may meeting na magaganap.

"Hindi rin namin alam. Wala naman sinabi samin si President. Basta may meeting daw. Ewan ko lang kung about saan ang pag-uusapan." Sagot sakin ni Caden.

"Tsk! Ano na naman kayang pakulo nang Daddy ni Diana? It's so hot! Kaka-ligo ko pero basang basang na ako sa pawis! Tsk! Nakaka-inis! Ang lagkit ko na!" Inis na sabi ko at kinuha ko ang panyo ko mula sa bulsa ko at pinunasan ang basang noo ko at pati na ang leeg ko.

"Tsk! Calm down, Linclon. Masyadong kang mainit. Lunes na lunes." Nakangiwing sabi ni Caden pero hindi ko sya pinansin.

"So.. nasaan na 'yong pinsan mo, Con? Si Lucy? Ipakilala mo naman kami sa kanya!" Tudyo sakin ni Cyan habang sinisiko nya ang tigiliran ko kaya inis ko syang tinulak palayo sakin!

"Aray! Tigilan mo nga ako! Wala akong oras para makipag-biruan sayo!"

"Ipakilala mo na kasi kami! Ano? Nasaan sya? Pupunta din ba sya dito? Dito muna sya papwestuhin sa atin para maka-usap ko sya. Hehehehe!" Manyakis na sabi nya!

Tsk! Galawan na galawang, Sanji!

"Hindi sya pupuwesto dito kaya manahimik ka dyan! Baka marinig ka pa ni Kai, patay ka talaga doon! Tutupiin ka non sa walo, tamo!" Pananakot ko sa kanya.

"Bakit naman? Wala naman akong gagawing masama eh! Makikipagkilala lang ako sa pinsan mo, ano ka ba? Parang hindi mo naman ako kilala! Mabait ako, ano! Hehehehe!"

"Ayon na nga ang mahirap eh. Tsk! Kilalang kilala kita, Cyan, bawat liko nang bituka mo ay alam ko na. Pati ang tumatakbo dyan sa isip mo ngayon ay alam ko."

"Baliw! Hahahahaha! Grabe ka naman sakin, Con. Mukha lang akong masama pero mabait ako, ano! Tsk! Gusto ko lang naman syang makilala. Wala naman sigurong masama doon, diba?"

"Eh bakit ba kasi gusto mong makilala si Whitelady?"

"I just want to know lang naman kung ano bang itsura nya. Nati-trigger kasi ako sa mga naririnig ko about sa pinsan mo, Linclon. May nagsasabi na mukha daw syang Whitelady at napaka-haba daw nang bangs nya dahilan para matakpan ang parehong mata nya. Meron ding nagsabi na ang creepy daw nya kasi napaka-tahimik nya at ang hina pa nyang mag-salita. May narinig din ako na bigla bigla na lang syang susulpot sa harapan mo nang hindi mo namamalayan. Hahahaha! Parang ewan lang diba? Napaka-exaggerated nang mga sinabi nila. Hahahahaha!"

"Tsk! Kung ganyang mga kwento na pala ang narinig mo about kay Lucy, bakit gustong gusto mo pa rin syang makilala?" Tanong ko.

"I don't know. Hahaha! I really don't know. Maybe she just piqued my interest?"

"Tsk! Interest mo mukha mo! Hindi ako papayag na mapalapit si Lucy sayo! I know you, Cyan!"

"Hey! Don't make it sound na para bang kay binabalak akong masama sa kanya! Malinis ang intensyo ko! Mas malinis pa sa budhi mo!"

Ang Yaya Naming Scary! (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon