LEVIS POV
"What happened?" Tanong sakin ni Jester habang pinapanood naming maglakad sila Linclon palabas nang Gym.
"Tss. I don't know. Leave them be." Masungit na sabi ko at humarap sa stage.
Ang tagal mag-announce! Naiinis na ako!
"Grabe 'yong pinsan mo, Levis. Nakaka-takot!" Tulad ko ay humarap na din si Jester sa stage habang hindi pa din nakaka-get over sa nangyari.
"Tss!"
"Overprotective masyado. Pulang pula 'yong kamay nong tropa ni Linclon!" Daldal ni Jester sa tabi ko pero nanatili akong walang imik.
Wala ako sa mood mag-salita. Nainis ako bigla at nawalan ako ng gana sa lahat! At alam ko ang dahilan nang pagga-ganto ko!
Damn it! Damn love! It's stupid! Bakit ko ba nagustuhan ang weirdong babaeng 'yon?!
"Hindi ko na babalakin na magpakilala pa kay Lucy. Tsk! Baka sa Ospital ako pulutin e---"
"Can you shut up?! You're loud!" Inis na putol ko kay Jester kaya natigilan sya!
Napansin ko ding napalingon sa gawi namin ang mga iilang schoolmates namin dahil sa lakas ng boses ko pero wala akong pakielam!
"Ano 'yon?"
"Si Levis. Mukhang galit din."
"Huh? Bakit naman?"
"I don't know eh. Tara lipat tayo nang ibang pwesto, Kacey. Baka madamay tayo."
"Oo nga. Tara. Katakot."
"Ano bang meron ngayon at badtrip lahat nang tao?"
"What's your problem?" Kunot noong tanong sakin ni Jester.
I looked away. "Naririndi kasi ako sa ingay mo."
"Ingay ko o.. Si Kai?"
Natigilan ako at inis syang nilingon! "What?!"
"Sa ingay ko ba talaga ikaw naririndi o kay Kai?"
"Paano naman sya nasali sa usapan natin?!"
"Karibal mo sya sa lovelife mo kaya alam kong naiinis ka sa kanya."
"That's nonsense! Hindi ako ganon ka-isip bata!"
"Pakiramdaman mo ang sarili mo tapos sabihin mo ulit 'yan."
"Ewan ko sayo! Ang dami mong alam!" Inis na inis na talagang sabi ko at hindi na sya pinansin pa!
Hanggang sa mag-simula at matapos ang meeting hindi kami nagpansinang dalawa ni Jester. Lalo lang kasi akong nabadtrip dahil sa pagtatalo namin kanina. Ang lakas nyang mang-asar at hindi talaga ako natutuwa!
Damn it!
"Dumaan muna tayo sa Cafeteria, Levis. Bibili lang ako nang pagkain. Tumgots na ako eh." Kuda ni Jester sa tabi ko habang papalabas kami ng Gym.
"Tss!" Inis na lagitik ko at nangunang naglakad.
"Aba't! Tingnan mo'to! Parang hindi tropa! Hoy! Hintayin mo ako! Wag mo akong iwan!" Habol sakin ni Jester pero hindi ko sya pinansin.
BINABASA MO ANG
Ang Yaya Naming Scary! (On-going)
Teen FictionMagugulo ang tahimik na buhay nang apat na magpipinsang Monasterio ng may ipakilalang 'yaya' ang Lola Elizabeth nila sa kanila. Kung inaakala nyong normal ang magiging yaya nila, nagkakamali kayo dahil ibang iba sya sa mga yayang makikilala nyo. Is...