Chapter 61

379 23 6
                                    

KAI'S POV

"Tch! Badtrip!" Inis na sabi ko habang inis akong naka-tingin sa labas nang bintana sa room na kinaroroonan ko.

Nandito ako sa lumang building na inambadona na at malapit nang ipa-giba nang University. Pero habang hindi pa nangyayari 'yon ay ginawa naming tambayan nila Rayver ang lugar na'to.

Dito kami palaging tumatambay sa tuwing gusto namin nanng katahimikan o kung may gagawin kaming kalokohan tulad nang pag-iinom o pagbi-bisyo.

Hindi kasi puntahan ito nang mga estudyante at wala ding naglilibot na guard o mga teacher kaya malaya kami sa mga gusto naming gawin.

Dito ko na naisip pumunta kanina dahil nababadtrip lang ako sa buwesit na tropa ni Linclon!

Gusto kong pilipitin ang leeg nya sa sobrang yamot ko ngayon! Nanginginig pa din ako sa galit at hindi ko mapigilan ang bugso nang damdamin ko!

Gusto kong magwala ora mismo sa harap nila Linclon kanina dahil sa ginawa nang hayop na tropa nya kay Lucy pero pinigilan ko lang ang sarili ko dahil ayokong makita ako ni Lucy na maging demonyo!

Hindi ko kakayanin ang magiging reaction nya pag nakita nya ako sa ganoong sitwasyon!

Ayokong malayo ang loob nya sakin at masira ang pagsasamahan na namumuo samin! Ayokong mawala kung anong meron kami ni Lucy ngayon! Ayoko! Ayoko!

Kaya grabeng pagpipigil talaga ang ginawa ko sa sarili ko kanina para hindi ko masaktan ang hayop na 'yon!

Mag-dasal na sya na sana ay hindi na ulit kami mag-kita pa dahil uubusin ko talaga ang lahat nang kulit nya!

*Tok! Tok!*

Pero salubong ang kilay na napalingon ako sa pintuan nang biglang may kumatok!

Mas lalo lang akong nabadtrip nang makita ko ang nakakayamot na mukha ni Rayver at 'yong tatlo pang gunggong!

May mga bwesit pa na dumating! Tch! Malas!

"Boss!" Bati sakin nong tatlong gunggong at tuluyang pumasok nang room!

"Sinabi ko na nga ba't nandito ka." Sabi sakin ni Rayver pagkalapit nya at umupo sa armrest nang katabi kong upuan!

Sila Frank naman ay pumalibot sa harap ko habang parang mga tanga silang naka-tingin sakin!

"Tch! Anong ginagawa nyo dito?!" Inis na tanong ko!

"Nanggugulo, boss! Hahahaha!" Sagot ni Frank!

"Sasamahan ka namin sa pagse-senti mo, boss!" Si Jacob!

"Oo nga, boss! Malungkot pag mag-isa ka lang! Dapat may kasama ka! Hahahahaha!" Si Kyle!

"Tch! Lumayas nga kayo! Naririndi ako sa inyo!" Inis na taboy ko sa kanila!

"Hahahahahahaha!!" Tawanan nila!!!

"Tsk! May naghahanap sayo." Nakangising turo ni Rayver sa labas nang room kaya napatingin ako doon!

Pero gulat akong napatayo nang makita kong naglalakad papasok ngayon sa loob nang room si Lucy habang titig na titig sya sa akin!

"L-lucy?!" Hindi makapaniwalang sabi ko! "A-anong ginagawa mo dito? Bakit ka nandito?"

"Sumama ako sa kanila kasi sinabi nila alam nila kung nasaan ka.."

Ayon na naman 'yong mahina at nakakapanindig na balahibong boses nya na kahit anong gawin ko ay hindi ko na kayang katakutan ngayon!

Ang Yaya Naming Scary! (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon