LUCY'S POV
"Hawakan mo nang maayos 'yong garbage bag, Linclon!" Inis na sigaw ni Master Levis kay Linclon habang nililinis nila ang pool. "Hindi ko mapasok itong mga basura!"
Si Master Levis kasi ang kumukuha ng mga basura gamit ang net na hawak nya habang si Linclon naman ang nagta-tapon ng basura.
Nag-tulungan na silang dalawa para matapos daw agad sila sa paglilinis ng pool dahil madami pa kaming gagawin.
Si Kai naman ay nasa kusina at nilalagay sa stick ang mga karne para sa barbeque. Kami kasi ang magka-tulong sa pag-luluto habang wala si Sanji.
Sinabi ko na nga na hindi na nya kailangan tumulong dahil kaya ko namang gawin ang lahat.
Pero nag-pumilit talaga si Kai at hindi sya nakinig sakin kaya wala akong nagawa kundi hayaan sya sa gusto nya para wala ng away.
"Hina-hawakan ko nang maayos!" Inis na sagot ni Linclon kay Levis.
"Ibuka mo pa!"
"Ibuka? Okay! Oh!" Pabirong ibinukaka ni Linclon ang magka-bilaang legs nya.
"Idiot! Hindi ikaw! Yung garbage bag!" Inis na sigaw ni Levis.
"Ayusin mo kasi! Akala ko ako eh! Hahahahahahaha!"
Loko loko talaga.. Tsk! Tsk! Tsk!
"Master.. kumain muna kayo nitong cookies na ginawa ko.." Lapit ko sa kanila kaya natigil sila sa pag-aaway.
Inilapag ko sa white table na mahaba ang plato na dala ko na nasa gilid ng pool. Ito kasi ang gagamitin naming lamesa ngayon.
"Salamat naman, Lucy! Kanina pa ako nagugutom eh. Thanks for the food. Hehe!" Si Linclon.
"Hmm.. kumain ka lang Linclon.."
"Ohhh! It's taste good!" Gulat na sabi ni Linclon pagka-tikim nya sa cookies na ginawa ko.
Namula ang mukha ko dahil sa hiya. "Thank you.."
"Ang sarap nang cookie mo, Lucy!"
"Masarap ang cookie ko?"
"Oo! Sobrang sarap ng cookie mo!"
*Boink!*
Nagulat ako sa biglang pag-batok ni Master Levis kay Linclon pagka-lapit nya sa amin.
"Bakit ka nangba-batok dyan, Levis?!" Mangiyak ngiyak na sabi ni Linclon.
"'Yang bunganga mo.. bastos!"
"Wala naman akong sinasabing bastos ah!"
"Just shut up. Here!" Sinalpakan ni Master Levis ng lima cookies ang bibig ni Linclon dahilan para hindi sya makapag-salita. "Eat it all! Tss!"
"Master.." Nanunuway na sabi ko kay Master Levis.
"I'm just teaching him a lesson, Lucy. Nagagaya na kasi kay Sanji ang bunganga nya." Umupo si Master Levis sa upuan na nasa gilid ko.
"Tikman mo na lang ang binake kong cookies Master.. Masarap sya.."
"Sige nga.. tikman natin kung masarap talaga. Hmm.. It's so good! Your cookies taste great."
"Thank you, Master.."
"How did you make it, Lucy? It's so crunchy."
"Madali lang sya Master.. Sinunod ko lang ang naka-lagay sa cookbook.. Kayang kaya mo din syang gawin.."
BINABASA MO ANG
Ang Yaya Naming Scary! (On-going)
Teen FictionMagugulo ang tahimik na buhay nang apat na magpipinsang Monasterio ng may ipakilalang 'yaya' ang Lola Elizabeth nila sa kanila. Kung inaakala nyong normal ang magiging yaya nila, nagkakamali kayo dahil ibang iba sya sa mga yayang makikilala nyo. Is...