Elizabeth's POV
"Whitelady? Really? Hahahaha!" Natatawang tanong ni Chelsea sakin sa kalagitnaan ng pagku-kwento ko kaya napatigil ako at natawa din.
Ikinukwento ko kasi sa kanya ngayon habang nagta-trabaho kaming dalawa dito sa loob ng opisina ko kung paano ko nakilala si Lucy.
Hindi ko kasi sinasadyang masabi sa kanya kanina ang tungkol sa pagkakaroon namin ng bagong yaya sa Mansion. Kaya na-curios sya at nagtanong kung sino si Lucy at kung paano ko daw sya nakilala.
Halos isang linggo na ang lumipas simula ng dumating ako dito sa States. Kaya bali isang linggo nabrin ang lumipas simula ng maging yaya ng mga apo ko si Lucy.
At masaya ako dahil nakatagal ng ganon si Lucy sa mga apo ko ng walang nakakarating saking masamang balita tungkol sa kanila sa Mansion. Mukhang natanggap na ng apat na apo ko si Lucy at natuto na silang maki-sama sa isa't isa.
Natatawa akong tumango. "They're funny, right? Sinigaw nila 'yon pagkakita nila kay Lucy. Mga takot na takot." Pagtatagalog ko, Filipino kasi si Chelsea.
"Bakit naman po kasi sila sumigaw ng ganon, Mam? Mukha ba talagang whitelady 'yong yaya nyo? Hahahaha!"
"Yes." Seryosong sagot ko na nagpatigil sa kanya. Nanlalaki ang matang tiningnan nya ako. "Why? Hahaha!"
"S-seryoso po kayo, Mam?! Mukha talaga syang whitelady?!"
"Yes. Literally. Hahaha!"
"Then she's really creepy, Mam!"
"Yeah. Ayan din ang sabi ng mga apo ko."
Mas lalo pa akong natawa ng makita kong parehas na parehas ang reactiong pinakita nya sa reaction ng apat na apo ko nong una nilang makita si Lucy. Nakakatakot ba talaga ang itsura ni Lucy? Para naman sakin ay cute sya.
"E-eh ano pong sunod na nangyari, Mam? Ano pong nangyari nong dumating si Lucy?" Halatang interesado ng tanong nya kaya ngumiti ako.
*Continuation of flashback*
Nagulat kaming lahat sa biglang pagsulpot nitong misteryosang babae sa harapan namin!
Lahat ay hindi naka-galaw at napatitig sa kanya dahil sa kakaiba at nakakatakot na itsura nya!
Nakasuot sya ng black jacket hoodie na madumi. May bakas din ng putik ang black leggings nya. At magkaiba din ang kulay ng tsinelas nya.
Pero hindi 'yon ang nakakapanindig ng balahibo sa kanya. Kundi ang napaka-haba nyang bangs na naging dahilan para hindi makita ang kalahati ng mukha nya! Idamay mo pa ang nakakatakot na aura-ng nakapalibot sa kanya dahilan para mas lalo syang mag-mukha nakakatakot!
Tama ang isinigaw nong lalaki kanina. Mukha talagang whitelady ang misteryosang babaeng ito!
P-pero sino sya?! Saan sya nanggaling?! At bakit pumunta pa sya dito? Dammit! Mapapahamak din sya! Lord, help us!
"Sino ka naman?!"
Natauhan lang ang lahat ng sumigaw 'tong Leader nila at padabog na binawi ang baseball bat nya sa kamay nitong misteryosang babae.
"B-boss.. Whitelady 'yan!" Garalgal na sigaw na naman nong lalaki na syang sumigaw din kanina.
"T*ngina! Tantanan mo nga ako, Jake! Baka ikaw ang paluin ko!" Galit na lingon nya sa kasama nya.
BINABASA MO ANG
Ang Yaya Naming Scary! (On-going)
Teen FictionMagugulo ang tahimik na buhay nang apat na magpipinsang Monasterio ng may ipakilalang 'yaya' ang Lola Elizabeth nila sa kanila. Kung inaakala nyong normal ang magiging yaya nila, nagkakamali kayo dahil ibang iba sya sa mga yayang makikilala nyo. Is...