LINCLON'S POV
"Pinapa-tawag nyo daw po kami, MommyLa?" Tanong ko kay Lola Elizabeth o mas tinatawag naming magpipinsan na 'MommyLa', short for Mommy and Lola, pagkapasok namin ni Sanji, pinsan kong damuho, sa office nya.
She nodded. "Yes. Come in, mga apo. May sasabihin akong mahalaga."
"What is it, MommyLa?" I asked but she just smiled at me.
What was that? Weird.
"What's up, La?" Parang tropa na bati ni Sanji kay MommyLa.
Tsk. Siraulo talaga.
"Where's Kai and Levis?" Hanap ni MommyLa sa dalawa pa naming pinsan.
"They're on their way here, MommyLa." I answered.
"Really? That's good. O' sya ma-upo muna kayo. Hintayin na muna natin sila na makarating bago ko sabihin ang dahilan nang pagpunta nyo dito."
Sinunod namin ni Sanji ang sinabi ni MommyLa at umupo kami sa mahabang sofa na kaharap lang nang lamesa nya.
"Pa-importante talaga ang, Kai, na 'yon!" Inis na bulong ni Sanji pagka-upo namin kaya napangiwi ako.
Hindi kasundo ni Sanji si Kai. Malaki ang galit nila sa isa't isa kaya sa tuwing nagkikita sila ay nagkakaroon ng world war III.
Pero bakit kaya kami biglang pinatawag ni MommyLa? Hindi sya basta basta na lang nagpapa-tawag nang meeting ng walang malalim na dahilan.
Minsanan lang kung importante talaga ang sasabihin nya o kaya naman kapag may mga katarantaduhan kaming ginawang magpipinsan.
Is that the reason?
Pero wala naman akong natatandaan na gumawa kami ng katarantaduhan nitong mga nakaraang araw. Maliban na lang kay Kai!
Halos araw araw kasi syang nakikipagbugbogan doon sa labas! Walang araw na hindi sya umuuwi dito sa Mansion na walang pasa o kaya sugat sa mukha. Ang dami nyang kaaway. Kaya ang dami din tuloy palaging nag-aabang samin sa labas ng village!
Tsk! Basugulero!
But if that's the reason, bakit halos kaming apat ang pinatawag ni MommyLa? Dapat si Kai lang diba? Ano ba kasing sasabihin nya? Umaandar na naman tuloy ang pagiging chismoso ko!
"Oh, Levis. You're here!" Sabi ni MommyLa kaya napatingin kami sa pintuan--- I mean ako lang pala.
Busy na kasi si Sanji sa pagnanasa sa mga babaeng naka-hubad sa hawak nyang porn magazine. Dala dala nya yan kanina habang papunta kami dito.
Manyakis!
"Yes." Malamig pa sa malamig na sabi ni Levis.
Grr.. Penge jacket!
"Where's, Kai?"
"I don't know." Malamig ulit na sagot ni Levis at umupo sa tabi ko.
"Nasaan na ba ang batang 'yon---" Napatigil bigla sa pagsasalita si MommyLa nang mag-ring ang cellphone nya.
Tumayo sya at nagpaalam sa amin na sasagotin nya muna ang tawag kaya nilingon ko si Sanji para sana makipag-kwentuhan ang kaso busy pa rin ang kupal.
Paniguradong tinitigasan na'to
Kaya no choice ako, si Levis na lang ang nilingon ko. Kahit nakaka-bobo sya kausap. Mahilig magbasa ng mga libro ang kupal na'to. Punong puno kaya nang mga libro ang kwarto nya.
BINABASA MO ANG
Ang Yaya Naming Scary! (On-going)
Teen FictionMagugulo ang tahimik na buhay nang apat na magpipinsang Monasterio ng may ipakilalang 'yaya' ang Lola Elizabeth nila sa kanila. Kung inaakala nyong normal ang magiging yaya nila, nagkakamali kayo dahil ibang iba sya sa mga yayang makikilala nyo. Is...