LINCOLN'S POV
Napatingin ako sa phone ko habang nagda-drive ako pauwi sa Mansion nang marinig kong may tumawag.
*Sanji calling..*
Sinuot ko airpods at sinagot ang tawag nya. "Hello, Sanji." Bungad ko kay Sanji habang nasa daan ang tingin ko.
"Where are you, Linclon?!" Sanji asked me angrily.
"Pauwi na ako."
"Bakit ngayon ka pa lang uuwi? It's already pass midnight."
"Gumawa kasi kami nang project sa bahay nang classmate ko. Need na namin sya bukas kaya tinapos na namin." I explained.
"Baka ibang project na yan ah?!"
"Wag mo nga akong igaya sayo! Tsk! Hindi ako katulad mo na manyakis!"
"Eh bakit kasi hindi ka man lang nag-chat samin na anong oras ka na pala uuwi?! Kanina ka pa hinahanap ni Lucy! Nag-aalala na sya sayo! Baka daw may nangyayari nang kung ano sayo!"
"Sorry. I forgot. Wait, Sanji! I'll hang up. Malapit na ako eh. Mag-kita na lang tayo dyan sa Mansion." Paalam ko.
"Sige! Sige! Bilisan mo mag-drive! Mag-iinom tayo!"
I frowned. "Why? Anong meron?"
"Wala! Trip lang! Hahaha!" Tawa tawang sabi ni Sanji bago nya ako pinatayan ng tawag.
Napa-ngiti na lang ako bago ko binilisan ang pagda-drive ko. Pagtapos nga nang ilang minuto ay nakarating na din ako sa Mansion. Pinark ko ang kotse ko sa Garage namin at tumungo na sa loob ng bahay.
"You're here." Bungad sakin ni Levis habang pababa sya sa hagdan. He's wearing silver silk pajamas, a black smoking jacket, black slippers, and white socks.
"Oh, Levis? Where are they?" I asked.
"In the garden."
"Ahh! Let's go. Sabay na tayong pumunta."
"Hindi ka man lang ba muna magpa-palit nang damit? Naka-uniform ka pa." Sabi ni Levis kaya napatingin ako sa sarili ko.
"Hindi na! Mabango pa din naman ako eh. Tara na!" Yaya ko ulit sa kanya at sa pagkaka-taong ito sumunod na si Levis sakin.
Pagkarating namin sa Garden nakita ko agad sila Kai at Sanji na nag-iinom. Napalagitik ako dahil hindi man lang nila kami hinintay. Tsk! Mga masasama talaga ang ugali!
Pero nag-salubong ng kilay ko nang makita ko si Lucy na naka-upo sa gitna nilang dalawa at pinapanood sila!
"Why is Lucy here?!" Inis na tanong ko kay Kai!
"Para masaya! Kumpleto tayo. Hahahahaha!" Baliw na sabi ni Sanji kaya sinamaan ko sya ng tingin!
"Are you for real, Sanji? Inuman ang gagawin natin at hindi tea party!"
"Shut the f*ck up and have a drink!" Sabi ni Kai at padarag nya akong pina-upo sa kabilang side ng table.
"Tss. Let them be, Linclon. Wala kang laban sa mga abno na 'yan." Bored na sabi ni Levis at umupo sya sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
Ang Yaya Naming Scary! (On-going)
Teen FictionMagugulo ang tahimik na buhay nang apat na magpipinsang Monasterio ng may ipakilalang 'yaya' ang Lola Elizabeth nila sa kanila. Kung inaakala nyong normal ang magiging yaya nila, nagkakamali kayo dahil ibang iba sya sa mga yayang makikilala nyo. Is...