LINCLON'S POV
Nagising ang diwa ko nang kumulo ang tyan ko dahil sa gutom. Hindi kasi ako naka-kain kagabi dahil sa sobrang pagod ko.
Ang dami naming ginawa sa school kaya nga pagka-uwi ko dito sa Mansion ay agad akong dumiretsyo dito sa kwarto ko at natulog.
Kahit inaantok bumangon ako at niligpit ang higaan ko. Pumunta ako sa salamin para ayusin ang magulo kong buhok. Nag-hilamos ako at nag-bihis nang pambahay na damit.
Hindi na kasi ako nakapag-palit nang damit kagabi dahil tinatamad na ako. Para akong zombie na naglalakad papunta sa kusina. Tsk! Sobrang sakit na talaga nang tyan ko.
"Lucy.." Nanghihinang tawag ko kay Lucy pagkarating ko sa kusina. "A-ang sakit nang tyan ko, Lucy.." Tawag ko pa pero walang Lucy na dumating.
Nasaan kaya sya?
Nag-simula akong kumain. Bawat nguya ko, pa sarap ng pa sarap ang pagkain kaya dumadami ang nakakain ko pero wala na akong pakialam doon. Ang mahalaga mapawi ang gutom ko!
"Burp!" Dighay ko ng mabusog ako.
Na-busog din ako!
Maya maya din ay nag-punta ako sa kusina at nag-timpla nang sarili kong kape. Nag-tungo ako sa salas at inilapag sa maliit na lamesa ang kape ko. Kinuha ko ang remote nang Tv at binuksan ito para manood.
Komportable akong umupo sa upuan at tahimik na pinanood ang Oggy and the cockroaches. Sumipsip ako nang unti sa mainit kong kape.
"Hahahahaha!"
Ang sarap sa feeling dahil napaka-tahimik nang Mansion. Nakakapani-bago dahil nasanay akong maiingay na boses agad nang mga pinsan ko ang naririnig ko pagka-gising ko.
Walang oras na tuma-tahimik ang Mansion basta magkaka-sama kami. Pero himala dahil napaka-tahimik ngayon. Parang walang mga taong naka-tira.
"Linclon?"
Napa-lingon ako sa pinanggalingan ng boses na 'yon. "Oh, Levis? Good morning! Ang tagal mong magising ah?"
He sighs. "Napuyat ako kagabi kaka-gawa nang research namin. Alas kwatro na ako halos naka-tulog." Antok na sambit nya habang nababa sya nang hagdan.
"Bakit mo kasi agad ginawa? Weekends naman ngayon. Araw nang pahinga! Dapat bukas mo na lang sya ginawa."
"Bakit ko pa ipagbu-bukas kung pwede ko namang gawin na ngayon? Tss!"
"Haayys! Nerd ka talaga."
"Ikaw, bakit ang aga mo nagising? May sakit ka ba?"
Ngumuso ako. "Na-gutom ako eh! Hindi kasi ako naka-kain kagabi."
"Aahh yeah.. Hindi ka nga pala naka-sabay kumain samin nang dinner." Sabi nya at pumunta sya sa kusina. Pagka-balik nya may dala na syang baso at kape.
"Tulog na ako non eh!"
"Naka-ilang akyat baba nga si Lucy kakagising sayo pero ayaw mo daw magising. Ang lalim na daw nang tulog mo." Nahikab na sambit nya habang nagtitimpla sya nang kape sa may lamesa.
"Pagod na pagod kasi ako pagka-uwi ko kaya ayon, bagsak na agad ako!"
"Why? Ano bang ginawa nyo sa school?"
BINABASA MO ANG
Ang Yaya Naming Scary! (On-going)
Teen FictionMagugulo ang tahimik na buhay nang apat na magpipinsang Monasterio ng may ipakilalang 'yaya' ang Lola Elizabeth nila sa kanila. Kung inaakala nyong normal ang magiging yaya nila, nagkakamali kayo dahil ibang iba sya sa mga yayang makikilala nyo. Is...