Chapter 51

579 33 4
                                    

LUCY'S POV

*BRRRRRRRRRMMMM~*

"Aaahh! Dammit!"

Gulat akong napalingon kay Master Levis na nasa balcony at nagbabasa ng libro ng bigla syang sumigaw sa kalagitnaan ng paglilinis ko sa kwarto nya.

Naka-suot si Master Levis ng white shirt at white pants habang binabasa ang librong lagi kong nakikitang hawak nya.

Ano kayang problema? Bakit sya sumigaw?

Pinatay ko ang vacuum cleaner at taka syang tiningnan. "Bakit, Master?"

Inis nya akong tiningnan habang nakapandekwatro syang parang babae. "Pwede bang tapusin mo na 'yang pagba-vacuum mo dyan?! Hindi ako makapag-focus sa binabasa ko!"

"Sorry, Master.. Patapos na din naman ako sa pagba-vacuum sa kwarto mo.."

"Just hurry up and get out of my room!"

"Okay, Master.."

"Tss! Annoying!" Inis na sabi pa nya bago nya ako hindi pinansin at pinagpatuloy ang pagbabasa nya.

Ako naman ay pinagpatuloy na rin ang paglilinis ko at binilisan tulad nang inutos ni Master Levis. Malapit na din kasing magpasukan kaya kailangan ko nang bilisan at ihanda ang mga breakfast nila.

Ecxited na akong matikman nila ang mga niluto ko.. Sana masarapan sila. Hehehe!

Maya maya nga ay natapos rin ako sa paglilinis kaya nagpaalam na ako kay Master Levis at akma na sana akong lalabas nang kwarto nya nang may biglang sumulpot na kamay sa gilid ko at pinagbuksan ako nang pinto!

"Let me." Boses ni Master Levis mula sa likuran ko.

Napalingon ako sa kanya at halos maduling ako sa sobrang lapit nang mukha naming dalawa! Isabay mo pa na ang lapit lapit din nang katawan namin sa isa't isa kaya isang tulak mo lang sakin ay didikit na agad ang katawan naming dalawa!

A-ano?!

"Get out." Masungit na sabi sakin ni Master Levis dahilan para magitla ako!

"A-aaaah!" Wala sa sariling sigaw ko at mabilis na umatras palayo sa kanya!

Pero kamalas malasan naming natumba ako dahil sa maling hakbang ko at ang ending bumagsak ako sa sahig!

A-ang sakit..

"Lucy?!"

Napalingon ako sa gilid ko nang marinig ko ang makulit na boses na 'yon ni Master Linclon. Nakita kong naka-tayo sya sa tapat nang pintuan ni Sanji at gulat na naka-tingin saming dalawa ni Master Levis.

"M-master Linclon.." Sambit ko.

"L-lucy!" Nag-aalalang sabi ni Master Linclon at mabilis na lumapit sakin para tulungan akong tumayo. "What happened? Baka ka natumba?"

Pero napatingin ako kay Master Levis habang tumatayo ako nang makita kong itinago nya ang kamay nya sa likuran nya na hindi ko napansing inabot nya pala sakin kanina! Nag-iwas sya nang tingin samin at lumagitik.

Master Levis..

"Ano bang nangyari sayo, Lucy?! Bakit bigla bigla ka na lang natumba?! Are you alright? May masakit ba sayo?" Naagaw lang ni Master Linclon ang atensyon ko nang tanongin nya ako.

Nilingon ko sya. "A-ah.. eh---"

"Tinulak ka ba ni Levis?!"

"What?!" Palag agad ni Master Levis sa sinabi ni Master Linclon.

Ang Yaya Naming Scary! (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon