Chapter 44

727 49 13
                                    

LINCLON'S POV

"Whitelady! Sasabay ulit ako sa inyo ah?!" Nakangiting sambit ko kay Whitelady habang naglalakad kami palabas nang Mansion.

Tumango siya. "Hmm.."

"Yehey! Hehehehehe!" Masayang saad ko saka ko tiningnan si Sanji na katabi niya at walang imik. "Hoy, Sanji! Sasabay ako sa inyo ulit!" Mapang-asar na sabi ko saka ko siya nginisihan pero kumunot ang noo ko nang walang buhay niya ako tiningnan bago niya iniwas ang tingin niya sakin.

Natigilan tuloy ako dahil sa inasta niya at pinanood ko silang dalawa ni Lucy na mangunang mag-lakad.

Kataka-taka ang pagiging tahimik ni Sanji mula kaninang umaga pa. Ang seryoso niya masyado at hindi siya masiyadong nagsasalita.

Akala ko ay wala lang siya sa mood kanina dahil hindi niya pa nakikita si Whitelady. Pero nong nakita naman niya si Whitelady ay walang nagbago sa kaniya. Ganoon pa din ang expression nang mukha niya at hindi man lang niya tiningnan si Whitelady.

Kahit nong may eksena si Whitelady at Kai kanina ay walang emosyon lang siyang naka-tingin sa kanila.

Sa mga ganong pagkakataon kasi ay inaasahan kong lalapit si Sanji para awayin si Kai pero hindi niya iyon ginawa.

Tumingin lang siya sa kanila saka siya walang imik na bumalik sa dining area at kumain ulit na para bang walang nangyari.

What's wrong with him? Bakit siya nagkaka-ganiyan? Napabuntong hininga na lang ako bago ako sumunod sa kanila.

"What happened to him?"

Napalingon ako kay Levis nang biglang siyang parang kabute na sumulpot sa gilid ko.

"What?"

"What happened to him?" Ulit na tanong niya habang na kay Sanji ang paningin niya.

"I-i don't know. Ganiyan na siya kanina pa."

"Hindi ba siya nag-almusal?"

"Nag-almusal."

"Eh bakit sobrang seryoso niya?"

"Hindi ko nga alam! Bakit ba ang kulit mo?!"

"Sinisigawan mo ba ako?" Masungit na tanong niya kaya napalabi ako.

"H-hindi! Ganito lang talaga ang boses ko! Pa-sigaw!" Nakangusong paliwanag ko.

"Tss! Moron." Asik niya saka niya ako tinalikuran at naglakad siya papunta sa kotse niya. Mabilis naman akong sumunod sa kaniya kaya salubong ang kilay na napatingin siya sakin. "Where do you think you're going, asshole?"

"Sayo na lang ako sasabay, Levis! Ayoko doon kay Sanji!"

"No way! Hindi ka sasabay sakin!" Inis na  sigaw ni Levis sakin saka niya ako tinulak.

"P-please, Levis! Ngayon lang ang sasabay sayo! Promise! Hindi na'to mauulit!"

"Hindi ka puwedeng sumabay sakin! Ayokong marumihan ang kotse ko! Bawal ang basura dito!"

"Sinong tinatawag mong basura?! Hindi ako basura! Grabe ka!"

"Basta hindi ka puwedeng sumabay sakin! Hindi ko kayang huminga sa iisang kotse kasama mo!"

"Sige naaa, Levis! Isabay mo na ako sayo! Parang hindi naman tayo mag-pinsan niyan!"

"I said no! Huwag kang makulit!"

Ang Yaya Naming Scary! (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon