LINCLON'S POV
"Whitelady.." Nahihirapan na sabi ko. Tagaktak ang pawis ko at hindi ako maka-hinga ng maayos.
"A-anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?" Kinakabahang tanong ko kay Lucy pagka-bukas ko ng pinto. "L-lucy?" Banggit ko sa pangalan nya ng hindi sya sumagot.
"Pinuntuhan kita.." Saad nya na nagpataas ng balahibo ko. Mas lalo pa akong kinabahan ng mag-simula syang mag-lakad palapit sakin!
Napaatras ako. "A-ano? Bakit? W-wag kang lumalapit sakin!"
"W-wag.."
"A-ano bang kailangan mo sakin?!" Pagmamatapang ko habang patuloy pa rin akong umaatras!
"Ang buhay mo.." Saad nya at nanlaki ang mata ko ng tumakbo sya papalapit sakin habang may dalang kutsilyo!
"WAAAAAAAAAAAAGGGG!!!" Balingkwas ko at mabilis na tiningnan ang paligid ko habang naghahabol ng hininga!
Si Whitelady! Si Lucy! Papatayin nya ko!
Pero nakahinga ako ng maluwag ng mapansin kong nasa kwarto ko pa ako at umaga na!
Panaginip lang pala.. Pesteng Whitelady!
Tsk! Eto na nga ba ang kinatatakutan ko! Babangongutin talaga ako nito araw araw dahil sa babaeng yon!
Kahapon pa ng gabi umalis si MommyLa. Madami syang binilin samin at kasama na don ay yung wala kaming gagawing kahit ano kay Whitelady kung ayaw nyang malintikan kami sa kanya.
Eh mukhang yon ang gagawa ng kung ano samin eh!
Matapos kasi nong nangyari kay Whitelady at Kai kahapon.Binungangaan kami ni MommyLa at binalaan na pag ginulo pa namin ulit si Whitelady hindi sya magda-dalawang isip na palayasin kami dito sa Mansion!
Ayoko non!
Pero mas ayokong magiging yaya namin ang baliw na babaeng yon! Bumagsaka ang balikat ko! Pero nakapag-desisyon na si MommyLa!
Yaya na talaga namin sya! Badtrip!
Ginulo ko ang buhok ko sa sobrang inis! "Maka-inom na nga lang ng tubig!"
Bumangon ako at naglakad palabas ng kwarto. Wag ko sanang maka-salubong si Whitelady kasi baka bigla akong atakihin sa puso dahil sa kanya!
Nang malapit nako sa hagdanan pababa. Nagtago muna ako sa pader para tiningnan ang paligid. Mahirap na baka nandyan lang ang babaeng yon.
Kailangan sigurado
"What are you doing?"
"Ay pusang gala!" Biglang sigaw ko ng sumulpot sa harap ko ang bagot na mukha ni Levis!
Hayop!
"Bakit ka nanggugulat, Levis?! Aatakihin ako sa puso dahil sayo!" Inis na sabi ko sa kanya.
"Tss!" Lagitik nya at humikab lang!
Napatingin ako sa kabuohan nya.Nakapang-pajama pa sya habang may dala dalang gatas. Mukang kakagaling nya lang sa kusina.
Milk? Eww!
"Umiinom ka pa nyan?" Nguso ko sa gatas na hawak nya.
"Yes. Why? Do you have any problem?"
Ngumiwi ako. "Pambata lang yan eh."
"Tss. Then look what you are doing right now.. you look stupid!" Bagot na sabi nya at nilagpasan ako!
BINABASA MO ANG
Ang Yaya Naming Scary! (On-going)
Teen FictionMagugulo ang tahimik na buhay nang apat na magpipinsang Monasterio ng may ipakilalang 'yaya' ang Lola Elizabeth nila sa kanila. Kung inaakala nyong normal ang magiging yaya nila, nagkakamali kayo dahil ibang iba sya sa mga yayang makikilala nyo. Is...