LEVIS POV
"Sinong nagnakaw ng gatas ko?!"
*Boogsh!*
Naiinis na napatigil ako sa pagbabasa ng biglang umalingawngaw ang nakakarinding sigaw na yon ni Kai mula sa labas ng kwarto ko na nasundan pa ng malakas na kalabog!
"What in the hell is happening?" I said and took off my glasses. "What's that noise?"
"Ewan ko sayo! Bitawan mo nga ko!"
Dinig ko pang sigaw mula sa labas. At kung tama ako kay Sanji ang boses na yon. Sya lang naman kasi ang tanging may nakakairitang boses dito sa Mansion.
Sunod kay Linclon
"Tss.."
"Ibalik mo sakin ang gatas ko manyakis!"
"Anong gagawin ko sa gatas mo?! Hindi ako mahilig sa gatas! Tanga!"
"Sinunggaling!"
"What the!? Siraulo kaba? Hindi nga ako kumuha ng gatas mo!"
"Ikaw!"
"Hindi nga!"
"Mag-suntukan nalang tayo! Tara!"
At narinig ko na ngang nagkalabugan sa labas ng kwarto ko matapos ang asaran nilang yon. Mukang nagsapakan na yung dalawang baliw. Tss.
"Childish.." Sabi ko at padabog na sinara ang librong binabasa ko!
Annoying!
Nawalan na tuloy ako ng ganang magbasa dahil sa ingay nila. Tss, eto talaga ang pinaka ayaw ko dito sa mansion.
Ang makasama ang tatlo kong nakakairita, isip bata, walang kwenta at napaka ingay na mga pinsan. Walang araw na naging tahimik ang buhay ko simula ng tumira ako dito kasama sila.
"Tss! I really hate them!"
Inis na ininom ko ang gatas na nakalagay sa ibabaw ng study table ko. Buti nalang talaga at meron akong gatas na nakakapag pakalma sakin sa twing nafa-frustated ako sa mga tao dito sa Mansion.
"Tama na yan Kai at Levis! Sisirain nyo ang mansion!"
Dinig kong awat ni Linclon sa kanila sa labas. Tss. Yan naman ang lagi nyang trabaho. Ang awatin ang dalawang baliw na yon.
"Ibalik nyo muna sakin ang gatas ko at kakalma ako!"
"Sabing hindi nga kasi kami ang kumuha ng gatas mo!"
"Manyakis kana nga sinunggaling ka pa!"
"Gago! Bakit hindi mo tanongin si Levis!? Mahilig din sa gatas ang nerd na yon!"
*Boogsh!*
Matapos ngang sabihin ni Sanji yun kay Kai biglang bumukas ang kwarto ko at iniluwa si Kai na sobrang sama ng tingin sakin.
Nasa likod nya din si Linclon na parang tangang nakatingin sakin. Si Sanji? Ewan ko, wala naman akong pakielam sa manyakis na yun.
"What do you want?" Bagot na tanong ko kay Kai.
Pero sa halip na sagotin nya ako ay napunta ang tingin nya sa basong may laman ng gatas na hawak ko.
Great
BINABASA MO ANG
Ang Yaya Naming Scary! (On-going)
Teen FictionMagugulo ang tahimik na buhay nang apat na magpipinsang Monasterio ng may ipakilalang 'yaya' ang Lola Elizabeth nila sa kanila. Kung inaakala nyong normal ang magiging yaya nila, nagkakamali kayo dahil ibang iba sya sa mga yayang makikilala nyo. Is...