Chapter 5

1.6K 88 8
                                    

SANJI'S POV

Narinig ko pang may kung anong sinigaw sakin si Linclon pagka-talikod ko pero hindi ko na sya pinansin pa!

Bahala ka dyan!

Sa halip mabilis kong sinundan si Lucy. Pagkarating ko sa may hagdanan nakita ko syang lumiko pagka-baba nya sa 1st floor at pumunta sa kitchen.

"Wait for me, Miss Lucy!" Nakangiting tawag ko sa kanya habang kumakaway-kaway pa! Pero mukhang hindi nya ko narinig dahil nagpa-tuloy lang sya sa paglalakad.

Mabilis na lang akong bumaba. Kulang na nga lang mag slides ako sa hawakan ng hagdanan para cool!

"Lucy, Lucy, Lucy, gusto kong maging kaibigan si Lucy~" Nakangiting kanta ko pagkarating ko sa kusina habang sumasayaw pa pero natigilan ako ng makita kong wala sya.

Eh?

Kumunot ang noo ko. "Lucy?"

Where is she?

"Lucy? Lucyyyy? Where are you? Are you here?" Malakas ng tawag ko sa kanya habang inililibot ang tingin ko sa kabuohan ng kitchen.

Nasaan yon?

Wala din naman syang ibang pwedeng puntahan maliban dito. Kasi pagka-liko mo sa hagdanan bubungad na agad sayo ang napakalaki naming kusina.

"Meow!"

"Vagina mong basa!" Malakas na sigaw ko ng biglang sumulpot sa paanan ko ang itim na pusa ni Lucy!

Natakot ako don!

Pusa lang pala. Saan sya nanggaling? Ginulat nya ako dun. Akala ko kung ano na eh. Napasigaw pa tuloy ako ng kung anong bastos dahil sa kanya!

Napalagitik ako. Kung andito lang si MommyLa paniguradong pipingotin non ang tenga ko!

Awww! Iniisip ko pa lang nasasaktan nako!

"Meow.."

Napatingin ako sa pusa ni Lucy. Nakatingin ito sakin habang igenegewang gewang ang buntot nya.

Cute!

Pero sa hindi ko malamang dahilan biglang nanindig ang balahibo ko ng tumagal ang titigan namin!

S-she's creepy..

Gantong ganto din ang naramdaman ko kay Lucy nong una namin syang nakita. Ang weird at ang creepy nya!

Mag-amo talaga silang dalawa

Pero wala nakong pakielam dun. Kasi ngayon gusto ko ng maging kaibigan si Lucy!

Sya na lang kasi ang natirira kong pag-asa para hindi ako tuluyang mabaliw dito sa mansion. Kaya gagawin ko ang lahat para maging close kami!

Ngumiti ako. "Hello there pussy. What's your name?" Sabi ko at tumuwad para sana buhatin sya pero nagulat ako ng bigla syang umiwas.

"Meow.." Sabi nya habang nakatingin sakin.

Weird na nga, napaka-arte pang pusa!

Ngumiti ako. "Come here. Wag kang matakot sakin." Pang-uuto ko.

"Meow.."

"Hindi naman kita kakainin---"

"Nyctophilia..."

Pero natigilan ako ng may paang biglang sumulpot sa harapan ko! Nagsitaasan ang balahibo ko dahil sa nakakatakot na boses nito!

Ang Yaya Naming Scary! (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon