LEVIS POV
Tiningnan ko ang itsura ko sa harap ng salamin at napangiti ako ng makita kong maayos ang pagkakaneck-tie ko sa neck-tie ng uniform ko.
Wala ring bakas ng kahit anong gusot at sobrang puti pa ng Uniform ko kaya mas lalo akong napa-ngiti.
Alam din pala nang nakakatakot na babaeng yon ang salitang 'malinis'. Tss!
Sinuot ko ang blazer ko at tumungo na sa Dining Area para mag-agahan. Dinala ko na rin ang gucci shoulder bag ko na kulay black para hindi na ako mag-akyat baba mamaya.
Ngayong araw na kasi ang simula ng klase sa ISM o International School Manila, kung saan kaming apat na magpipinsang nag-aaral.
Maaga kaming nagising lahat at nag handa sa pag-pasok. Maliban na lang kay Kai na tulog pa at dinig na dinig ko pa ang hilik mula dito sa kwarto ko.
Tss. Pathetic.
"Talaga?! Ano pang sunod na nangyari, Sanji?!"
Napairap ako ng marinig ko agad ang nakakairitang boses ni Linclon pagka-pasok ko ng Dining Area.
Naabutan ko silang malakas na nagkukwentuhan ni Sanji habang kumakain.
I sighed. Hindi ko nablang sila pinansin at umupo ako sa lagi kong pinagpupwestuhan. Nilagay ko sa tabi kong upuan ang bag ko at nagsimula ng umagahan.
Tulad ko ay naka-uniform na din sila Linclon at mukhang handa ng pumasok. Pero bakit ganyan sila kababoy kumain? Tss. They're making me lose my appetite.
"Ayon nga! Edi pinagtanggol ko si Lucy! Ang kakapal kasi nilang sabihan ng panget si Lucy eh hindi naman sila magaganda!" Inis na sabi ni Sanji kay Linclon habang uma-action pa.
Hindi ko alam ang pinagkukwentuhan nila. At wala rin akong balak na alamin pa dahil wala naman akong pakialam sa kanila.
"Sinabi ko naman kasi sayo, Sanji. Masyadong agaw pansin ang itsura ni Whitelady nong araw na yon kaya hindi talaga malabong pagpipyestahan sya ng mga tao. Tsk! Kung pinagpalit mo lang sana sya ng damit at pinaayos mo sa kanya ang itsura nya ay baka hindi pa nangyari yon!" Inis na sabi ni Linclon habang nakain sya ng hotdog.
"Walang problema sa itsura ni Lucy! Kayo!" Duro ni Sanji kay Linclon dahilan para mapaatras ito. "Kayo ang may problema dahil masyado kayong mapang-husga!"
"H-hoy! F-friends na kaya kami ni Whitelady!"
"Hindi pwede!"
"Anong hindi pwede?!"
"Walang ibang pwedeng kumaibigan kay Lucy kung hindi ako lang!" Parang siraulong turo ni Sanji sa sarili nya. Tss. Malala na sya. "Ako lang ang pwedeng lumapit kay Lucy at wala ng iba pa! Naiintindihan mo ba bakla?!"
"Hindi ikaw ang magdedesisyon sa bagay na yan!" Inis na sabi naman ni Linclon pero nanlaki ang mata nya ng may mapansin sya. "At wag mo akong tawaging bakla!"
"Bakla! Bakla! Bakla!"
"Manyakis! Manyakis! Manyakis! Bleeeh!" Dilang asar ni Linclon kaya hinead lock sya ni Sanji. "A-aray! Hahahahaha! T-tama na, Sanji! Hahahahahaha!"
Napangiwi ako sa kabaliwan nila. And speaking of Lucy, inilibot ko ang tingin ko sa buong Dining area ng mapansin kong wala sya. Sa mga gantong oras kasi ay nandito sya at pinaghahandaan kami ng pagkain.
"Where's Lucy?" Tanong ko kay Linclon pero kumunot ang noo ko ng mapanukso nya akong tiningnan.
"Ikaw, Levis, ah! Bakit mo hinahanap si Whitelady? Naku! Iba na yan!" Nakangising sabi ni Linclon kaya nainis ako.
"Masama bang hanapin ko sya?"
"Syempre wala! Hahahaha! Nandon pa si Whitelady sa taas! Nag-aayos pa sya pero don't worry, Levis, pababa na 'yon. Makikita mo na din sya. Hahahahaha!"
"What are you talking about, moron?! Stop it! Hindi ka nakaka-tuwa!"
"Hahahahahaha!"
"Linclon!"
"Good morning.. Anong nangyayari dito?"
Pero napalingon kami sa gilid namin ng marinig namin ang pamilyar na boses na yon. Hindi naman ako nagkamali ng bumungad samin si Lucy na naka-uniform na din tulad namin.
"L-l-l-l-lucy!" Parang asong ulol na sigaw ni Sanji at mabilis syang lumapit kay Lucy.
"Whitelady!" Hindi naman makapaniwalang sabi ni Linclon.
"Good morning.." Sabi ulit ni Lucy.
"Good morning din, Lucy! Ang ganda mo, Lucy~" Naglalaway na sabi ni Sanji. At hindi ko alam pero nag-kurteng heart ang mga mata nya. Tss. The heck. "Bagay na bagay sayo ang uniform mo, Lucy! Hindi ko alam na mararamdaman ko ulit 'yong naramdaman ko nong una kitang nakita! Sobrang ganda mo, Lucy! Mas lalo akong na-iinlove sayo~!"
He's really crazy..
"Tch!"
Pero napatingin kami sa likuran ni Lucy ng parang kabuteng sumulpot don si Kai. Tss. Badtrip na mukha nya agad ang bumungad samin at ang magulo nyang buhok.
Hindi naka-suot ng blazer si Kai at bukas pa ang dalawang butones sa taas ng uniform nya. Hindi din maayos ang pagkaka-neck tie nya sa uniform nya kaya ang dumi nya tuloy tingnan.
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at napabuntong hininga. "Hayysss! Moron!"
"Anong binubuntong hininga mo dyan nerd?!" Inis na sigaw sakin ni Kai pero hindi ko sya pinansin. "Tch! Mga walang kwenta! Bahala kayo! Aalis na ako!"
"Ahh! Wait lang, Kai! Wag mo akong iwan! Sasabay ako sayo!" Habol ni Linclon kay Kai habang may tinapay sya sa bibig nya.
"Tsk!" Tumayo ni Sanji at nakita ko kung paano nagbago ang mukha nya ng harapin nya si Lucy. "Let's go, Lucy. Sumabay na tayo sa kanila." Nakangiting sabi nya kaya napangiwi ako sa pandidiri.
"Hmm.." Tumango si Lucy at hinarap ako kaya nagulat ako. "Ikaw, Master Levis?"
"H-huh?"
"Sumabay ka na din samin para sabay sabay na tayong pumasok lahat.."
"O-okay." Wala sa sariling sambit ko at nanguna akong lumabas ng Mansion.
What's wrong with me?!
BINABASA MO ANG
Ang Yaya Naming Scary! (On-going)
Teen FictionMagugulo ang tahimik na buhay nang apat na magpipinsang Monasterio ng may ipakilalang 'yaya' ang Lola Elizabeth nila sa kanila. Kung inaakala nyong normal ang magiging yaya nila, nagkakamali kayo dahil ibang iba sya sa mga yayang makikilala nyo. Is...