Chapter 70

180 10 0
                                    

SANJI'S POV

"What brings you here, Kaylin? It's late." Tanong ko kay Kaylin pagkalapit ko sa kanya at umupo sa katapat nyang upuan.  "Mabuti at pinayagan ka pang lumabas ni Tita Melody nang ganitong oras."

"S-sinabi ko naman kay Mommy na sayo ako pupunta kaya pumayag sya."

"Hmm.. kaya naman pala.."

"Nag-iinuman pala kayo? S-sorry. Hindi ko alam. Na-distorbo ko pa tuloy ang bonding nyong magpi-pinsan."

"What's with you? Hindi ikaw 'yan ah?" Natatawang sabi ko. "Wait! Kumain ka na ba?"

"Y-yeah.. Tapos na. K-kumain na ako sa bahay."

"Ahh.. mabuti naman. Ano nga pa lang pinunta mo dito?"

"L-look at this!"

Kumunot ang noo ko ng ipakita nya sakin ang cellphone nya. "What is this, Kaylin? Bakit mo pinapa-kita sakin ang cellphone mo?"

"Take a good look at what's on my screen." Inis na sabi nya kaya naguguluhang tiningnan ko ang phone nya.

"Ano bang meron?"

Pero nanlaki ang mata ko nang makita ko ang picture naming dalawa ni Kaylin na magka-yakap sa labas nang room ko kanina! Pati ang mga chismosong classmate ko ay naka-sama sa picture!

"What the hell is this?! Sinong kumuha nyan?!" Gulat na tanong ko kay Kaylin at tumayo!

Mukha kasi kaming mag-syota sa picture! Ang sweet naming dalawa tinginan kaya gusto kong masuka! What the hell?! Sinong gago naman ang kumuha nang mga picture na 'yan?! Baka anong isipin nang mga schoolmates namin!

"I don't know but that is now posted on our University's page! And we have a lot of pictures!" Inis na sambit nya bago nya inilipat ang picture dahilan para makita ko ang lahat nang picture naming dalawa!

Nagulat ako nang makita kong madami kaming picture na naka-post at puro magka-yakap pa! Meron pang magka-lapit ang mga mukha namin at masayang nagtatawanan!

"Bakit nila tayo pinicture-an?!" Inis na tanong ko.

"Hindi ko rin al! Nagulat na lang din ako nang makita ko ito kanina habang nagi-scroll ako sa Facebook! At ang naka-lagay pa 'Bestfriend to lovers'! Iniisip na nilang lahat na mag-on tayong dalawa, Sanji!"

"Malaking kalokohan 'yan! Never kitang papatulan!"

"Ang dami na ding nagla-like at nagko-comment! Tinatawag na nila akong malandi dahil pinatulan daw agad kita kahit kaka-break ko lang at kahit pa na mag-bestfriend tayong dalawa! Iniisip pa nilang ikaw ang reason kung bakit nag-break kaming dalawa ni Ace!"

"Bakit ako nadamay dyan? Wala nga akong pakialam sa inyo!"

"'Yon kasi ang iniisip nila dahil sa kumakalat nating mga picture!"

"Tsk! Hayaan mo na lang silang mag-isip nang masama. Kilala naman natin ang mga sarili natin at sanay na tayong napagkakamalang mag-jowa." Balewalang sabi ko na lang at komportable akong bumalik sa pagkaka-upo ko.

"What?! Then how am I going to fix my reputation?!"

"Are you some kind of celebrity? Tsk! No one cares about your reputation."

Ang Yaya Naming Scary! (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon