Chapter 87

128 6 0
                                    

LUCY'S POV

"Aaaahhhh! Ang sarap matulog!" Malakas na sabi ni Linclon pagka-pasok namin sa loob ng Mansion.

Pagka-tapos kasi ng nangyari kanina ay napagpasyahan na lang naming umuwi. Grabe rin ang nangyari samin ngayon araw kaya naisip ni Kai na magpahinga na lang kami. Bukas na lang daw kami pupunta sa Dean office para mag-report sa nangyari.

"Tara Lucy. Matulog na tayo." Yaya sakin ni Linclon.

Umiling ako. "Hindi pwede Linclon.. Marami pa akong dapat gawin.. Magpahinga ka na.. Gigisingin na lang kita mamayang dinner.."

"Kami ng bahala sa mga gawain dito, Lucy." Lapit ni Sanji sakin at hinawakan nya ako sa bewang ko. "Mag-pahinga ka na muna. Grabe rin ang nangyari sa inyo ngayong araw."

"Pero kaya ko nama---" Naputol ako.

"Let's go, Lucy. You should rest." Sabi ni Linclon at pumunta sya sa likuran ko at tinulak ako paakyat sa second floor.

Pagkarating namin sa second floor ay napatingin ako kay Kai na nasa baba at malungkot na nakatingin sakin.

Kanina pa sya tahimik at nag-aalala na ako sa kanya dahil alam kong sinisisi nya ang sarili nya sa nangyari samin ni Linclon.

Kanina pa walang imik si Kai pero mararamdaman mo ang galit nya. Kinabahan pa nga ako ng mag-usap silang lima ni Rayver nong pauwi na kami. Nawala kasi bigla si Nathan ng dumating ang mga pulis at ang paramedic.

Kaya hindi tuloy ako mapakali dahil alam kong may binabalak sila. Ayokong bumalik sya sa dati. Mas gusto ko ang nakikita kong Kai ngayon, masaya at malayo sa gulo.

"Oh nandito na tayo Lucy!"

Napabalik lang ako sa ulirat ng makarating kami sa tapat ng kwarto ko. Binuksan ni Linclon ang pintuan at sabay kaming dalawa na pumasok sa loob.

Hinarap ko si Linclon. "Salamat.."

"Magpa-hospital ka kaya Lucy? We are worried about you. Baka kasi may nararamdaman ka pero ayaw mo lang sabihin samin. Ano Lucy? Magpa-hospital ka para ma-sure natin ang kalagayan mo and para hindi rin kami nag-aalala sayo ng ganito." Nag-aalalang sabi ni Linclon kaya hinawakan ko ang ulo nya at marahan itong ginulo."W-what are you doing, Lucy?!" Gulat na sigaw nya.

"Wag na kayong mag-alala sakin.. Okay lang talaga ako.." Sambit ko.

"Hindi naman kasi namin maiwasan ang hindi mag-alala sayo Lucy. Importante ka sa amin." Nakangusong sabi ni Linclon.

"Okay lang talaga ako Linclon.. At kung may nararamdaman naman ako ay magsasabi ako sa inyo.."

"Sige. Mag-pahinga ka na, Lucy. Alam kong napagod ka. Sleep well." Sabi pa ni Linclon bago nya sinara ang pintuan ng kwarto ko.

Napabuntong hininga naman ako at napapagod na umupo sa gilid ng kama ko. Inilabas ko ang pagod na kanina ko pa tinatago dahil ayokong mas lalo pa silang mag-alala sa akin.

Nagpahinga muna ako ng ilang minuto bago ako nag-half bath at nag-bihis ng pambahay na damit. Naka-suot ako ng black t shirt at pajama na black na komportableng suotin.

Humiga ako sa kama ko at ipinikit ang mga mata ko. At dahil nga yata sa sobrang pagod ko ay naka-tulog agad ako.

*Flashback*

"Goodbye, Ma'am Vasquez!" Sabay sabay na sabi namin ng mga classmate ko ng mag-uwian.

"Oh bukas may exams ah? Kaya gusto ko lahat kayo mag-aral ng mabuti para lahat kayo maka-pasa. Okay?" Nakangiting sabi ng Homeroom teacher namin na si Ms. Vasquez.

Ang Yaya Naming Scary! (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon