KAYLIN'S POV
"Look! Kaylin and Sanji is walking together!"
"So totoo nga ang kumakalat na mga issue?"
"Anong issue?"
"Na matagal na pala nilang niloloko si Ace!"
"How? Eh mag-bestfriend silang dalawa."
"A man and a woman can never be just friends!"
"Grabe ang landi niya! Wala pang isang linggong break sila ni Ace--- may lalaki na agad siya! At si Sanji pa talaga!"
"Aargh! I hate her!"
"Naawa ako kay Ace. Huhu! My baby!"
"Pero bagay sila! Hehehe!"
"Pinag-uusapan nila tayo, Sanji! Grabe sila sakin!" Inis na sumbong ko habang tinitingnan ko nang masama ang mga schoolmates na nadadaanan namin na grabe kung husgahan ako!
Eh wala naman silang alam sa buong pangyayari!
Inangkla ko ang braso ko kay Sanji at idikit ang katawan ko sa kaniya dahilan para mas lalong mainis ang mga schoolmates ko sakin!
Damang dama ni Sanji ang boobs ko ngayon pero hindi na bago sa kaniya ang bagay na 'yon kaya wala siyanb masyadong reaction na ipinakita.
Mainggit kayo! Bleeh!
"If people are talking behind your back, then just fart." Walang kwentang saad ni Sanji sa gilid ko kaya binatukan ko siya!
"Puro ka kalokohan!"
"Hey, huwag mo akong batukan! Paano kung magka-cancer ako?!" Inis na sigaw sakin ni Sanji.
"Tsk! Huwag ka ngang OA! Hindi naman malakas ang pagkaka-batok ko sayo!"
"Eh bakit ba kasi kailangan mo pa akong batukan?! Masakit kaya!"
"Huwag mo akong sigawan! May boyfriend bang sinisigawan ang girlfriend niya?!"
"Nagpe-pretend lang naman tayo eh! Hindi kita tunay na girlfriend kaya huwag kang assuming diyan!"
"H-hoy! A-anong assuming?! Hindi ako assuming! Tinuturuan lang kita kung paano maging tunay na boyfriend dahil kahit sinong estudyante ang tanongin mo ngayon dito ay hindi sila maniniwala na boyfriend kita dahil sa trato mo sakin!"
"Tsk! Ang dami mong arte! Ano bang gusto mo? Halikan kita sa harap nilang lahat para maniwala silang mag-jowa tayong dalawa?!" Sarcastic na tanong niya.
Namula naman ang mukha ko dahil sa sinabi niya at inalis ko ang braso ko na naka-angkla sa kaniya!
"S-subukan mo lang! Sasapakin talaga kita!" Utal na banta ko sa kaniya.
"Joke lang, Kaykin! Hahahaha! Hindi tayo talo no! Lalaki ka eh! Hindi ako napatol sa katulad ko. Hahahahaha!" Malakas na tawa niya.
"S-siraulo ka!" Inis na saad ko saka ko ko siya pinalo sa balikat niya.
"Ano nga pala 'yong eksena mo kanina, Kaylin? Grabe ang pagsi-sinunggaling mo kay Tita. Paano na lang kapag nalaman niya ang totoo?" Seryosong tanong sakin ni Sanji.
BINABASA MO ANG
Ang Yaya Naming Scary! (On-going)
Teen FictionMagugulo ang tahimik na buhay nang apat na magpipinsang Monasterio ng may ipakilalang 'yaya' ang Lola Elizabeth nila sa kanila. Kung inaakala nyong normal ang magiging yaya nila, nagkakamali kayo dahil ibang iba sya sa mga yayang makikilala nyo. Is...