Chapter 15

1K 73 7
                                    

LINCLON'S POV

H-hindi pwedeeee!

Hindi matanggap nang utak ko ang dahilang sinabi ni MommyLa kay Levis kaya naka-freeze ang lahat nang account namin!

Ginawa nya iyon para kainin namin ang mga pagkaing niluluto ni Lucy!? Tsk! Ano bang pinakain ni Lucy kay MommyLa para paboran sya nito palagi?!

Ayokong sundin si MommyLa. Suicide iyon para samin. Lalo na sakin. Dahil wala akong tiwala sa luto nang baliw at nakaka-takot na babaeng 'yon! Malay ba namin kung may lason 'yon!

Kaya buo na ang desisyon ko. Hindi ko susundin ang sinabi ni MommyLa! Hinding hindi. Kahit palayasin nya pa ako dito sa Mansion ay hindi ko kakainin ang mga pagkaing lulutuin ni Lucy!

Pero..

Wala na akong kawala ngayon dahil nandito na ako sa Dining area at hinihintay na matapos si Lucy sa paghahanda nang pagkain!

Oo! Kahit labag sa loob ko ay umupo ako dito at sinunod ang sinabi ni MommyLa. Binantaan pa nya kasi kami kanina na hindi lang daw credit card ang mawawala samin kung hindi namin gagawin ang gusto nya kaya wala kaming naging choice kung hindi ang sundin sya.

Oo kami!

Dahil kasama ko ding nag-iintay ngayon dito sa lamesa si Kai na nasa kaharap kong upuan at galit na galit na naman ang mukha!

Nakaka-takot sya! Parang mambabanat sya agad!

At ang katabi ko naman na si Levis na parang wala na namang pakielam sa mundo habang nagbabasa sya nang libro!

Nerd!

Wala na talaga kaming choice kanina kaya napilitan kaming umupo dito! Inis akong napatingin sa mga pagkaing naka-latag sa harapan ko ngayon!

Wag nyo akong landiin!

Ewan ko kung nababaliw na ba ako pero nakikita kong sumasayaw sila at inuudyok ako na kainin sila!

Waaaaaahhh! Nababaliw na nga ako!

Gusto ko nang umalis dito. Gusto ko nang bumalik sa kwarto ko at doon mag-kulong.

"Oh! Plato nyo mga mahal na hari!"

Pero inis akong napatingin kay Sanji nang lumapit sya samin! Mas lalo pang nadagdagan ang inis ko nang makita kong naka-suot sya nang apron! At kulay pink pa talaga ito!

"What are you doing?!" Inis na tanong ko sa kanya.

"Binibigyan kayo nang plato malamang! Ang tatamad nyo tumayo eh! Ayokong mahirapan si Lucy kaya ako na ang gumawa kahit labag sa loob ko! Tsk!" Inis na asik nya samin!

"That's not what I meant!"

"Then what?!"

"Come here." Mahinang sambit ko habang sinesenyasan ko syang lumapit sakin.

"Why?"

"Just come here, idiot!"

"What do you want?" Inis na tanong nya bago sya lumapit sakin.

"Saan ka ba nag-suot kanina? Kanina pa kita hinahanap! Hindi kita makita dito sa Mansion!"

"Namalengke kaming dalawa ni Lucy kaninang umaga kaya wala ako dito!"

"What?! Kailan pa kayo naging close ni Whitelady?!"

"Kanina lang. Hehehe!"

Ang Yaya Naming Scary! (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon