LEVIS POV
Maaga akong nagising dahil sa alarm clock ko. Sinuot ko ang salamin ko at bumangon. Pagkatapos kong ligpitin ang kama ko ay dumiretsyo ako sa bathroom para maligo.
Nang matapos akong maligo ay lumabas na ako ng kwarto ko para tumungo sa baba at mag-breakfast.
Pagkarating ko sa dining area ay naabutan kong naghahanda si Lucy ng mga pagkain sa lamesa kasama si Sanji.
He's really unbelievable. Tss.
"Good morning.."
Bati sakin ni Lucy pagka-upo ko at binigyan agad ako ng kape pero hindi ko sya pinansin. Tss. Nabati ba sya o nananakot?
Kahit ang masamang tingin ni Sanji ay hindi ko rin binigyan ng pansin. At sa halip ay binasa ko ang dala kong libro habang umiinom ng kape. Mapayapa pa akong makakapag-basa dahil hindi pa bumaba sila Kai at Linclon.
"Saan ka pupunta, Lucy?" Tanong ni Sanji kay Lucy sa kalagitnaan ng paghahanda nila pero hindi ko sila inangatan ng tingin.
"Kukuhanin ko 'yong bacon sa kusina.." Nakakatakot na sagot ni Lucy.
"Wag na. Ako na ang kukuha. Dito ka na lang Lucy. Hehehe!"
"Hindi na.. Kaya ko naman---"
"Ako na Lucy. Hehehe!"
"Ikaw ang bahala.. Salamat Sanji.."
"Your welcome, Lucy. I love you!" Manyakis na sabi ni Sanji at umalis na.
"Meow.."
"Shit!"
Nagulat ako ng biglang sumulpot sa paanan ko ang creepy na pusa ni Lucy at sinimulang ikiskis ang sarili nya sakin!
"Meow.. Meow.."
"Shoo! Shoo!" Inis na taboy ko sa kanya at palihim syang sinipa palayo sakin!
Pero syempre mahina lang dahil may awa pa naman ako kahit hindi ko gusto ang pusa nato. Tss! I don't know why pero hindi maganda ang vibes ko sa pusang ito. Tulad na lang sa amo nya.
Pero nagsalubong ang kilay ko ng hindi man lang sya gumalaw at tumitig pa sya sakin!
What the heck are you looking at?!
"Shoo! Shoo! Stay away from me!" Patuloy na pagtaboy ko sa kanya pero hindi man lang sya nagpatinag.
The hell?! What's wrong with this cat?! She's annoying!
"Halika dito, Nyctophilia.."
Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Lucy sa gilid ko at kinuha ang pusa nya. Napapikit ako sa sobrang pagpipigil ng inis bago sila naiiritang nilingon.
"Sorry.." Mahinang sambit ni Lucy habang karga nya ang pusa nya.
"Pwede bang wag mong hayaang pakalat kalat 'yang pusa mo dito sa Mansion? She's annoying!" Hindi pasigaw ang boses ko pero nandon ang inis.
"Sorry, Master.. Ikukulong ko na lang ulit sya sa kwarto ko.."
"Dapat lang para wala syang napupuwerwisyong tao. Tss!"
"Hoy nerd! Ang tapang mo ah?! Bakit mo pinapagalitan si Lucy?!" Sigaw ni Sanji sakin pagkabalik nya mula sa kusina habang dala nya ang bacon.
BINABASA MO ANG
Ang Yaya Naming Scary! (On-going)
Teen FictionMagugulo ang tahimik na buhay nang apat na magpipinsang Monasterio ng may ipakilalang 'yaya' ang Lola Elizabeth nila sa kanila. Kung inaakala nyong normal ang magiging yaya nila, nagkakamali kayo dahil ibang iba sya sa mga yayang makikilala nyo. Is...