LINCLON'S POV
Nagising ang diwa ko dahil sa isang malamig na ihip nang hangin. Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at inilibot ang tingin ko sa kabuohan nang lugar na kinaroroonan ko ngayon.
Madilim, mabaho, makalat at napaka-tahimik nang paligid. Para akong nasa isang warehouse na inabandona na dahil sa sobrang dumi nang paligid.
W-wait.. what happened? What the hell am I doing here?
Pero napalingon ako sa tabi ko nang marinig kong may umungol. Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Sanji na bugbog sarado ang mukha at mahimbing na natutulog!
"Sanji---" Naputol ako nang biglang may pumigil sa akin nang akma kong lalapitan si Sanji!
Napalingon ako sa likuran ko at ganon na lang ang gulat ko nang makita kong naka-tali ang kamay ko sa poste! Napatingin din ako kay Sanji ay katulad ko ay naka-tali rin ang kamay nya!
W-what the hell is this?! Bakit kami naka-posas?!
"Sanji! Sanji! Gumising ka, Sanji!" Malakas na gising ko kay Sanji pero parang wala man lang syang narinig at patuloy ang malakas na paghilik nya!
Kinabahan tuloy ako. Hindi pa naman siguro sya patay diba? Alam kong grabe ang pambubugbog na ginawa nila sa kanya pero hindi pa naman sapat 'yon para mapatay nila sya diba?!
Paano na ako kung wala sya?! Huhuhuhu!
"H-hmm.." Ungol ni Sanji!
Nagliwanag ang mukha ko nang unti unting imulat ni Sanji ang mga mata nya. "S-sanji!"
Napalingon sya sakin. "L-linclon?" Nahihirapan na sambit nya.
Unti unting namasa ang mga mata ko at hindi ko napigilan na maging emosyonal. "T-thank god at nagising ka na, Sanji! Akala ko patay ka na! Huhuhuhu! Pinag-alala mo ako! Huhuhuhu!" Umiiyak na atungal ko.
"W-what happened? W-where are we?" Naguguluhan na tanong nya sakin habang inililibot nya ang paningin nya sa lugar na kinaroroonan namin ngayon.
"H-hindi ko alam pero mukhang nasa isang abandonadong warehouse tayo, Sanji! Mukhang dito tayo dinala nang mga kasamahan ni Nathan matapos nating mawalan nang malay!"
"Mawalan nang malay?" Takang tanong nya at nagulat ako nang biglang manlaki ang mga mata nya. "A-anong nangyari sayo nong nawalan ako nang malay?! Sinaktan ka ba nila?! May ginawa ba sila sayo?! Okay ka lang ba?! May tama ka ba sa katawan?!"
"W-wala naman silang ginawa sakin, Sanji. Ang huli ko na lang natandaan ay 'yong tinakpan nila nang panyo ang ilong ko dahilan para mawalan din ako nang malay katulad mo!"
"Thank god. I thought something bad happened to you!"
"What are we going to do now, Sanji?" Kinakabahan na tanong ko habang tumitingin tingin ako sa paligid namin. "P-paano tayo makaka-takas sa lugar na'to? Sigurado akong nag-aalala na si Lucy satin! Tsk! Ano na naman ba kasing gusto ni Nathan?! Bakit ba ayaw nya tayong tigilan?! Palagi na lang nya tayong ginugulo!"
"Itikom mo 'yang bunganga mo kung gusto mo pang humaba ang buhay mo, naiintindihan mo?! Hindi ako makapag-isip nang maayos sayo! Para kang bata! Masyado kang iyakin!"
"I'm scared, okay?! Hindi naman ako katulad nyo nila Kai na walang katakot-takot sa katawan kaya hindi mo ako masisisi!"
"Mananahimik ka o iiwanan ka dito mag-isa?! Ano?! Mamili ka?!"
BINABASA MO ANG
Ang Yaya Naming Scary! (On-going)
Teen FictionMagugulo ang tahimik na buhay nang apat na magpipinsang Monasterio ng may ipakilalang 'yaya' ang Lola Elizabeth nila sa kanila. Kung inaakala nyong normal ang magiging yaya nila, nagkakamali kayo dahil ibang iba sya sa mga yayang makikilala nyo. Is...