SANJI'S POV
"Lucccccy! Wag kang umalis!" Tawag ko pa kay Lucy pero tuluyan na syang nawala sa paningin ko kaya galit na nilingon ko si Kai at agad ko syang kinuwelyuhan. "Gago ka, Kai! Ano bang problema mo?! Bakit mo ginaganon si Lucy?!"
"Ang tapang mo na ah?" Nakangising sambit nya!
"Gago!" Mura ko at mas lalo syang pinanlisikan ng mata! "Bakit kailangan mong pagsalitaan nang ganon kasama si Lucy?! Tingnan mo ang ginawa mo! Umalis sya nang dahil sa iyo!"
"Bagay lang sa kanya 'yon dahil hindi nya alam kung saan lulugar ang mga katulad nyang yaya lang! Tch! Let go of me!" Piglas nya kaya napahiwalay ako sa kanya! "Don't f*cking bark If you can't f*cking bite! Kung gusto mo, sundan mo ang baliw na babaeng 'yon para pareho na kayong mawala dito sa Mansion!"
"Oo! Susundan ko talaga si Lucy!" Sigaw ko kaya natigilan sila. Isa isa ko silang tinginan ng masama! "At sasabihin ko kay MommyLa ang ginawa nyo para kayong tatlo ang mapa-layas dito sa Mansion!" Galit na sigaw ko bago ako mabilis na lumabas nang Mansion para sundan si Lucy!
Lucy! Wag kang umalis! Please!
LINCLON'S POV
"Tch! Manyakis!" Inis na sabi ni Kai pagka-alis ni Sanji.
Ako naman ay napa-yuko nang maalala ko ang itsura ni Lucy kanina. Hindi ko man nakikita ang mukha nya dahil sa bangs nya pero alam kung nasaktan sya sa mga sinabi namin. Lalo na sa sinabi ni Kai.
"Alam nyo.." Naka-yukong sambit ko at ramdam kong napa-lingon sakin sila Kai at Levis kaya inangat ko sila nang tingin. "Mukhang sumobra tayo."
Ngayon kasing nahimasmasan na ako. Napagtanto kong sumobra pala talaga kami sa inasta namin kay Lucy kanina.
Nagu-guilty ako! Bwesit!
"Edi sumunod ka sa manyakis na 'yon! Parehas kayong magpa-uto sa walang kwentang babaeng 'yon! Tch! Mga walang kwenta! Magsama-sama kayo!" Galit na sigaw ni Kai sakin bago sya padabog na umakyat papunta sa kwarto nya!
Pero hindi ko sya pinansin at tumingin lang ako sa labas nang Mansion. Mas lalo akong na-guilty nang maalala ko ang imahe ni Lucy habang tumatakbo sya paalis!
Bwesit!
"S-susundan ko sya!" Wala sa sariling sambit bago ako mabilis na lumabas nang Mansion!
"Wait! L-linclon!"
"What?!" Inis na tanong ko kay Levis nang tawagin nya ako. Napatigil ako sa may pintuan at taka ko syang tiningnan.
"I.. I will join you!"
"A-ano?"
"L-let's go!" Sambit nya at nanguna nang tumakbo palabas nang Mansion.
"Ayon.. na-guilty din! Tsk!" Nakangiwing sambit ko at sumunod sa kanya. "Wait, Levis! Hintayin mo ako!"
KAI'S POV
"Tch!" Inis na lagitik ko nang makita ko mula dito sa bintana ng kwarto ko na sumunod nga talaga si Linclon kay Sanji para habulin si Lucy!
Pero mas lalo pa akong nainis nang makita kong kasama nya si Levis at para silang mga tangang tumatakbo!
"Mga walang kwenta!" Inis na tinalikuran ko sila at pumunta ako sa kama ko at humiga. "Nababaliw na sila!" Salubong ang kilay na sambit ko habang naka-titig ako sa kisame!
BINABASA MO ANG
Ang Yaya Naming Scary! (On-going)
Teen FictionMagugulo ang tahimik na buhay nang apat na magpipinsang Monasterio ng may ipakilalang 'yaya' ang Lola Elizabeth nila sa kanila. Kung inaakala nyong normal ang magiging yaya nila, nagkakamali kayo dahil ibang iba sya sa mga yayang makikilala nyo. Is...