LEVIS POV
Matamlay akong naglalakad papasok ng University habang iniinda ang sakit ng katawan ko. Late na nga ako dahil twelve o'clock na. Anong oras na kasi akong nagising kanina dahil late na din akong nakatulog kagabe dahil sa sakit ng mga tama ko sa katawan.
Nahirapan pa akong gumalaw dahil sa sobrang sakit ng katawan ko. Para akong binugbog ng sampung ka-tao kahit dadalawa lang naman talaga ang nanakit sakin.
"Ahh.. shit!" Mura ko habang iniikot ang ulo ko.
Maya maya nga ay nakarating na ako sa room at saktong walang tao dahil break na. Pagod akong umupo sa upuan ko at sumandal. Yumuko ako sa lamesa para umidlip nang unti habang may oras pa.
"Hoy, Levis! Gising! Padating na ang teacher natin! Hoy! Gumising ka sabi eh!"
Nagising ako sa sunod sunod na yugyog nang kung sino sakin habang natutulog ako!
Antok kong pinanood ang mga classmate kong naglalaro sa loob ng room, nag-aaway at malakas na nagtatawan. Humikab ako at inayos ang uniform ko na nagusot dahil sa pwesto ko nong natulog.
"Good afternoon, Levis. Ang sarap nang tulog natin ah?" Sambit ni Jester kaya napalingon ako sa kanya.
Humikab ulit ako at sumandal sa upuan ko at nag-cross arms. "Wala kasi akong masyadong tulog kanina."
"Bakit? Anong pinagpuyatan mo?"
Hindi ano kundi sino! Tss! Hindi mawala wala sa isip ko 'yong babaeng nagligtas sakin! Parang sirang plakang nagpaulit ulit sa utak ko ang pambubogbog nya kila Lucas!
Wala akong balak na sabihin kay Jester ang ginawa sakin nila Lucas dahil ayoko mag-alala lang sya. Sigurado kasi ako na hindi nya kasi ako titigilan once na mag-kwento ako sa kanya.
Pati sila Linclon at Lucy ay walang alam dahil hindi ko rin sinabi sa kanila ang nangyari. Alam ko kasing hindi rin nila ako titigilan sa pagtatanong kaya mas pinabuti ko na lang na itago. Alam ko ring aasarin lang ako ni Linclon at Sanji pag nalaman nila na nabugbog ako.
Pero nakita ni Lucy ang mga gasgas ko sa kanang braso ko nong pumasok sya sa kwarto ko para gisingin ako. Nagsimula syang mag-tanong kung saan ko daw nakuha ang mga sugat ko pero hindi ko sinabi ang totoo sa kanya at umarte akong galit para hindi na sya mangulit pa.
"W-wala. Nakalimutan ko na." Pagsi-sinunggaling ko kay Jester.
"Bakit nga pala ngayon ka lang pumasok, Levis? Ang dami kayang Lec na nag-hanap sayo! Pati si Mrs. Marasigan, hinahanap ka!"
"Bakit naman nya ako hinahanap?"
"Nami-miss ka yata! Hahahahaha!"
"Tss, moron! Wala kang kwentang kausap."
"Biro lang! Hahahahaha! Eto masyadong seryoso! Hahahaha! Kaya walang kumakaibigan sayo eh! Ako lang talaga ang nakaka-tiis sa ugali mong 'yan! Tsk! Tsk! Tsk! Paano ka na lang kung wala ako? Hahahaha!"
"Paano ako kung wala ka? Malamang tahimik ang buhay ko at mapayapa." Ngumisi ako at nakita ko naman na natigilan sya.
"Ang sama mo, Levis! Parang hindi tayo mag-kaibigan ah!"
"Tss! Masyado kang maingay! Hinaan mo ang boses mo dahil kaharap mo lang ako! Kung maka-sigaw ka ay akala mo ang layo natin sa isa't isa! Saktan kita eh!" Inis na sabi ko at umakto ako na sisikuhin ko sya kaya mabilis nyang ptinotektahan ang sarili nya!
BINABASA MO ANG
Ang Yaya Naming Scary! (On-going)
Teen FictionMagugulo ang tahimik na buhay nang apat na magpipinsang Monasterio ng may ipakilalang 'yaya' ang Lola Elizabeth nila sa kanila. Kung inaakala nyong normal ang magiging yaya nila, nagkakamali kayo dahil ibang iba sya sa mga yayang makikilala nyo. Is...