KAI'S POV
Nagising ako dahil sa ingay nang vacuum cleaner na naririnig ko! Salubong ang kilay na inilibot ko ang tingin ko sa buong kwarto ko at nagulat ako nang may makita akong nakaka-takot na babaeng naka-tayo sa paanan ko!
"Waaaaaaaaaaah!" Malakas na sigaw ko na mabilis na bumangon at papadyak na dumikit sa pader habang hawak ko ang isang unan ko. "Whitelaaaaady!"
W-whitelady?!
"L-lucy?!" Inis na sabi ko nang malinaw ko syang makita!
Napalingon sya sakin at hindi man lang bumakas sa mukha nya ang pagkagulat! Wala kareaksyon-reaksyon na naman nya akong tiningnan!
"Good morning, Master.. Pasensya na kung nagising kita.."
Bakit ba ganyan ang boses nya?! Mahina, malamig at nakakatakot! Bwesit!
"W-what are you doing here?!" Inis na tanong ko at padabog na binato ang unan ko sa kama!
Hinarap nya ako at tinigil ang paglilinis. "Nililinis ko ang kwarto mo.."
"A-ano?!"
"Madumi na kasi.."
"A-anong madumi?! Hoy! Hindi madumi ang kwarto ko!" Inis na duro ko sa kanya at hindi naman sya sumagot! Walang kwenta na naman nya akong tiningnan! Tch! Nakakainis talaga ang babaeng to! "At hindi ba't sinabihan na kita dati na hindi ka pwedeng pumasok dito?! Bakit nandito ka na naman?!"
"Nililinis ko nga po ang kwarto nyo, Master.."
"Kaya kong gawin 'yan!"
"Pero trabaho ko ito Master.. Ako ang dapat gumagawa nito.."
"Tch! Hindi ka nasunod sa sinasabi ko! Anong klaseng yaya ka?!"
"Sorry kung hindi ko sinunod ang utos nyo, Master.. Pero kailangan na talagang linisan nang kwarto nyo.."
Nanlaki ang mata ko at ang butas nang ilong ko dahil sa inis. "H-hoy! Hindi ganon kadumi ang kwarto ko para linisan mo!" Inis na dinuro ko na naman sya. "Sa paraan nang pagsasalita mo ay parang ginawa mong tambakan nang basura 'tong kwarto ko ah?!"
"Hindi naman sa ganon, Master.."
Napahilot ako sa sentido ko dahil sa sobrang inis. "Tch! Just get out of my room!"
"Papasok ka, Master?"
Inis ko syang tiningnan. "Oo! Malamang! Bakit ayaw mo?!"
"Hindi naman, Master.." Nagsalubong ang kilay ko nang ngumiti sya. "Bumaba na din kayo.. Handa na ang breakfast.." Sambit nya pa bago sya tuluyang lumabas nang kwarto ko!
Tch?! Anong nginingiti-ngiti non?! Mukha ba akong nakaka-tawa?!
Salubong ang kilay na napatitig pa ako sa pinto nang kwarto ko na nilabasan nya bago ko napagpasyahang maligo at maghanda para sa pag-pasok!
Hindi ko na inayos ang pagkaka-neck tie ko sa uniform ko dahil hindi naman ako marunong at pinabayaan na lang 'yong ganon! Hindi ko din binutones ang dalawa sa butones sa taas nang uniform ko at pati na rin ang blazer ko!
Tch! Ganito ang gusto kong itsura! 'Yong maangas akong tingnan!
Nang matapos ako sa pagbibihis ay agad din akong bumaba at tumungo sa Dining Area! Naabutan kong kumakain na ang tatlong kumag na napatingin sakin maliban na kang kay Levis na focus na focus na naman sa librong binabasa nya!
BINABASA MO ANG
Ang Yaya Naming Scary! (On-going)
Teen FictionMagugulo ang tahimik na buhay nang apat na magpipinsang Monasterio ng may ipakilalang 'yaya' ang Lola Elizabeth nila sa kanila. Kung inaakala nyong normal ang magiging yaya nila, nagkakamali kayo dahil ibang iba sya sa mga yayang makikilala nyo. Is...