Chapter 56

369 20 4
                                    

KAI'S POV

"Gago! Bumalik ka dito! Ibalik mo ang bag ko, Ryaaaan!"

"Ayoko nga! Habulin mo muna ako! Bleeeh!"

"Oo! At kapag nahabol kita, patay ka!"

"Sinong tinakot mo, Michelle?! Hahahahahaha!"

Naalimpungatan ako dahil sa dalawang mahaharot na nagtatakbuhan sa labas nang room namin!

Naiinis na bumangon ako at umayos nang upo! Salubong ang kilay na hinanap ko sila!

"Hoy! Ang iingay nyo! Gusto nyong pagbuhol-buholin ko kayo?!" Galit na sigaw ko sa kanila kaya natatakot na napalingon sila sakin!

"S-sorry po, Kai!" Sabay na pagso-sorry nila sakin bago sila mabilis na kumaripas nang takbo palayo!

"Tch! Mga bwesit! Distorbo!" Yamot na yamot na sigaw ko dahil naputol ang magandang tulog ko!

Minsan na nga lang matulog, maaabala ka pa! Gusto ko silang pagsasapak-sapakin! Tanghaling tapat, mga nang-uulol!

Pero bigla akong natigilan nang mapansin kong wala nang katao-tao sa room namin at nag-iisa na lang ako!

Mabilis akong napalingon sa pwesto ni Lucy at nainis ako nang makita kong wala din sya!

Nasan 'yon?! Bakit iniwan nya ako?!

"Saan na naman kaya nag-suot ang babaeng 'yon?! Ang kapal nang mukha nyang iwanan ako! Humanda sya sakin! Makaka-tikim talaga sya!" Inis na sambit ko at padabog na tumayo at kinuha ang bag ko!

Malakas na sipa ko sa katapat na upuan ni Lucy bago ako tuluyang lumabas nang room namin! Sobra talaga akong naiinis! Gusto kong tablahin ang kung sino mang kumausap sakin!

Pero halos wala nang mga estudyante sa corridor nang lumabas ako ay mukhang lahat sila ay nasa Cafeteria na at kumakain!

"Luuuuucccccyyyy!!!"










LUCY'S POV

"H-hindi ko kasi alam kung paano kita p-pasasalamatan sa ginawa mong pagligtas sakin kila Sheina nong nakaraan.. kaya ito na lang ang n-naisip kong gawin.." Nahihiyang sambit ni Queenie sakin dahilan para mas lalo akong maguluhan. "M-matagal ko na sanang gustong ipakita s-sayo ito kaso lang hindi ako maka-tyempo kaya thankful ako kasi pumayag kang sumama sakin ngayon. M-maraming salamat talaga, Lucy. Utang ko sayo ang buhay ko. B-baka kung hindi ka dumating nong mga o-oras na 'yon ay baka kung ano nang nangyari sakin kaya s-salamat talaga. S-sana tanggapin mo ang unting pasasalamat ko sayo."

"H-hindi mo kailangan gawin ito, Queenie.." Sambit ko matapos ang ilang minutong katahimikan na bumalot samin. "Hindi naman kasi ako ang nag-ligtas sayo.. Sila Sanji ang nag-ligtas sayo.. Satin.. K-kaya hindi ka na dapat nag-abala pang gawin ito."

Ang Yaya Naming Scary! (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon