Chapter 90

216 4 0
                                    

LUCY'S POV

Hanggang ngayon ay gulong gulo pa rin ako sa mga nangyayari at hindi ko alam kung ano ba ang dapat maramdaman ko sa mga pinapakitang motibo sakin ni Kai.

Nilingon ko si Kai na tahimik na natutulog sa tabi ko habang hawak nya ang kamay ko na nakapatong sa arm chair.

Tinitigan ko sya. Totoo ba ang nararamdaman nya sakin? Totoo ba ang mga salitang lumalabas sa bibig nya? Totoo ba talagang gusto nya ako?

Kalokohan..

"Lucy!"

Napalingon ako sa pintuan nang room namin nang may tumawag sakin. Nagliwanag ang mukha ko nang makita ko sila Linclon, Sanji at Levis na naglalakad papasok sa room namin.

"Kyyaaaaahhhh!" Malakas na tilian nang mga babae kong classmate kaya napatakip ako sa tenga ko.

"Oh my god! Sila Sanji!"

"Grabe ang gwapo nila!"

"Linclon, ang gwapo mo!"

"Hi po, Kuya Levis! Hehehe!"

"Ang gwapo gwapo ni Sanji!"

"Sayang may Kaylin na sya! Huhuhuhu!"

"Sana ako na lang si Kaylin!"

"Hi, Lucy!" Masiglang bati sakin ni Linclon pagka-lapit nila sa pwesto namin ni Kai.

"Anong ginagawa nyo dito, Linclon?" Masayang tanong ko sa kanila.

Umupo si Sanji at Levis sa arm chair nang mga katabi naming upuan ni Kai habang si Linclon naman ay inikot paharap sakin ang upuan nang katapat ko at umupo sya doon.

"Vacant kasi namin ngayon kaya naisipan naming puntahan ka dito sa room mo, Lucy." Nakangiting sabi ni Sanji habang nasa bulsa nya ang parehas na kamay nya.

"Wala rin pala kayong teacher, Lucy." Sambit naman ni Linclon.

"Hmm.. hindi pumasok si Ms. Castro. May sakit daw kasi sya." Sagot ko.

"Hindi rin sya pumasok samin kanina. So absent pala talaga sya. Akala ko kasi nasa restroom na naman sya at naglalabas ng sama ng loob. Hahahaha!" Biro ni Linclon kaya natawa kami.

"Tss. Is he sleeping again?" Nakangiwing tanong ni Levis habang nakatingin sya kay Kai na katabi ko at mahimbing na natutulog. "Just how much sleep does he need to be satisfied?"

"Mas okay nga na tulog sya kasi nanggugulo lang naman sya tuwing gising sya." Nakangiwing sabi ni Linclon at bigla nyang binatukan si Kai.

"Linclon!" Gulat na sabi ko.

"Nice one, Linclon. Hahahahahaha!" Tawa tawa sabi ni Sanji at nag-apir silang dalawa ni Linclon. Napabuntong na lang ako at napangiti. Mga loko loko talaga.

"Hoy, gumala naman tayo, Sanji. Namimiss ko nang gumala." Nakangusong sambit ni Linclon.

"Gusto mo sumama ka na lang samin mamaya ni Kaylin. May balak kasi kaming mag-mall. Kailangan nya kasing bumili ng mga gamit para sa report nila kaya pupunta kami sa national bookstore."

"Magda-date kayong dalawa eh. Magiging third wheel pa ako nyan!" Nakangusong sabi ni Linclon.

"Anong date? Bibili kami nang mga gamit. Hindi kami magda-date." Inis na sabi ni Sanji.

"Ganon na rin 'yon no! Parang date na rin ang ginagawa nyo!"

"Tsk! Ewan ko sayo. Bahala ka kung ayaw mo!"

Ang Yaya Naming Scary! (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon