Chapter 22

757 63 4
                                    

SANJI'S POV

Padabog na binuksan ko ang pintuan ng opisina ni MommyLa. Agad kong tiningnan ng masama si Levis ng mag-tama ang patingin naming dalawa.

"Ano na namang pakulo mo nerd?!" Yamot na tanong ko sa kanya!

Naka-tayo kasi sya sa harap ng pintuan at naka-sandal sa lamesa ni MommyLa habang naka-cross arms sya kaya agad ko syang nakita.

Habang si Linclon naman ay naka-upo sa sofa at gulat na nakatingin sakin pero hindi ko sya pinansin at tinuon ko lang kay Levis ang tingin ko.

"Ano ba 'yang sasabihin mo samin?! Sabihin mo na! Nagluluto pa kami ni Lucy!" Inis na dagdag ko at dinuro sya gamit ang dala kong spatula.

Saktong nagluluto kasi kami kanina ni Lucy sa kusina ng puntahan ako nitong si Linclon para sabihing may pa-meeting na ganap 'tong si Levis kaya naka-apron pa ako ngayon na kulay pink at may dalang spatula, na wala sa sariling nadala ko dahil sa sobrang inis!

Wala pa nga sana akong balak pumunta dito kung hindi lang ako pinilit ni Lucy. Mga badtrip. Palagi na lang talaga nilang sinisira ang magandang moment naming dalawa ni Lucy.

"Waaaaaah! Sanjiiiii~!"

Pero nagulat ako ng biglang tumakbo palapit sakin si Linclon at mahigpit nya akong niyakap!

"Sanji, may malaking problema tayo!" Sigaw nya habang niyuyogyog ako.

"L-let go of me, numbskull!" Umaalog alog na banta ko sa kanya.

"S-sorry!" Sabi nya pagkatapos nya akong bitawan.

Inis na tiningnan ko sya. "G-gago ka, Linclon! Ano bang problema mo?! Bakit mo ako niyugyog?!"

"May malaki tayong problema,  Sanji!" Pambabalewala nya sakin kaya mas lalo lang akong nainis sa kanya!

"Tayong dalawa ang magkaka-problema kung hindi mo sasabihin sakin ang dahilan mo kung bakit mo ako niyugyog! Gago ka! Nahilo ako don!"

"S-sorry na, Sanji! Nadala lang ako ng emosyon ko!"

"Eh kung sapak sapakin kita ngayon tapos sabihin kong nadala lang din ako ng emosyon ko?!"

"Sorry na nga kasi! Hindi ko sinasadya!"

"Tsk! Ano ba kasing meron?! Bakit ka nauulol?!"

"Katapusan na ng maliligayang araw natin, Sanji!" Balik sa pagiging baliw na sigaw nya at hinawakan na naman ako sa magkabilang braso!

"Don't you dare!" Banta ko sa kanya kaya medyo lumuwag ang pagkakapit nya sakin. "At ayusin mo ang sagot mo! Wala akong naiintindihan sa mga sinasabi mo! Para kang baliw!"

"Katapusan na nga kasi ng maliligayang araw natin, Sanji! Hindi! Katapusan na ng mundo! Naiintindihan mo ako?! Katapusan na ng mundo kaya lumipat na tayo sa Mars! May ticket sa facebook papunta don!"

"Ano bang mga pinagsasabi mo dyan bading?! Baliw ka na ba?! O baka hindi ka na naman naka-inom ng gamot mo? At lumayo ka nga sakin! Ang dikit mo masyado!" Marahas na tulak ko sa kanya kaya tuluyan syang nahiwalay sakin. Inis na tiningnan ko sya. "Ano ba kasing nangyayari?!"

"Pag-aaralin ni MommyLa si Lucy sa University natin!" Sigaw nya kaya natigilan ako!

Nanlaki ang mata ko sa gulat. "A-ano?!"

Ano daw?! Tama ba ang pagkaka-dinig ko?

"Oo! Mag-aaral si Lucy kasama natin Sanji! Huhuhuhu! Kahapon lang sakin sinabi ni Levis ang tungkol sa bagay na itto at talagang hindi ako naka-tulog dahil don! Tingnan mo nga ang mata ko!" Turo nya sa mata nyang halata ang eyebags. "Dalawang bag na ang karga! Waaaah! Katapusan na ng maliligayang araw natin Sanji! Magpatiwakal na tayo! Huhuhuhu!" Parang batang atungal nya pero hindi ko sya pinansin!

Nilingon ko si Levis na halatang problemado. "Is he telling the truth, Levis?"

"Yes, " Sambit ni Levis at inangat nya ang salamin nya. "Mag-aaral si Lucy kasama natin."

Halos magsitaasan ang balahibo ko sa katawan ng sabihin iyon ni Levis. Bigla ding natahimik ang kapaligiran ko at tanging tibok lang ng puso ko ngayon ang naririnig ko.

M-mag-aaral si Lucy kasama namin..

"Inutusan ako ni MommyLa kahapon na i-enroll si Lucy sa University kung saan tayong apat nag-aaral. Gusto nyang i-enroll ko si Lucy dahil gusto nyang matulungan si Lucy na maipagpa-tuloy ulit ang natigil nitong pag-aaral. Nalaman kasi ni MommyLa na hindi na pala nag-aaral si Lucy at nag-stop sya ng dalawang taon sa highschool kaya ibig sabihin Grade twelve pa lang din sya katulad natin.. And gustong kuhanin ni MommyLa ang chance na yon para maging close tayong lima." Mahabang sambit ni Levis.

"Kalokohan yan! Dapat hindi ka pumayag, Levis!" Si Lincoln.

"I can't do anything about it, Linclon! It's MommyLa decision kaya wala akong karapatan para kontrahin sya!"

"Pero kahit na.. Dapat umalma ka pa din!"

"I tried but wala akong napala. I can't stop, MommyLa. Desidido na talaga syang pag-aralin si Lucy kaya wala akong nagawa kundi sundin ang utos nya. And now.. Lucy is officially enrolled in our University. Kasama na natin syang mag-aaral ngayon pasukan."

"No.. No! This can't be true.."

"And worst.. gamit nya ang apelyido natin!"

"What?!"

Alam kong may pinaguusapang mahalaga sila Levis at Linclon sa harapan ko pero wala akong naririnig miski isa sa sinasabi nila dahil abala ang utak ko sa ibang bagay!

Mag-aaral si Lucy kasama namin.. Mag-aaral si Lucy kasama namin..

Ang Yaya Naming Scary! (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon