Chapter 11

1K 72 4
                                    

KAI'S POV

"Tch!" Lagitik ko pagka-park ko ng motor ko sa harap ng madumi at mabahong hideout ni Nathan.

Pinasadahan ko ng tingin ang malaki at makalawang na pinto ng hideout nya. Dati kasing pabrika ang pinagtatambayan nila. Luma, makalawang, mapanghi, mabaho at madumi. Tch! Bagay na bagay talaga ang grupo nya dito.

Pinatay ko ang makina ng motor ko at bumaba. Nakapamulsang naglakad ako patungo sa malaking pinto.

Nang maka-lapit ako sa pintuan don ko narinig ang malakas na tawanan at hiyawan nila mula sa loob. Tch! Its look like their having fun now. Napangisi ako sa tuwa. What a bunch of moron.

Akma ko na sanang pipihitin pabukas ang pintuan ng bigla nalang yong kusang bumukas at bumungad sakin ang isang binatilyo lalaki na nanlaki ang mata pagka-kita sakin.

"Tch!"

"K-kai.. A-anong g-ginagawa mo di---" Hindi ko na sya pinatapos pang mag-salita at malakas ko syang sinipa sa tyan dahilan para tumalsik sya pabalik sa loob. "Aaaaarghh!" Malakas na sigaw nya kaya gulat na napa-tingin ang lahat ng tao sa kanya.

"Gago! Anong nangyari?"

"Oh? Bakit tumalsik yan?"

"T*ngina! Sinong nanggugulo?!"

"G-gago! T-tumingin kayo sa entrance!"

"Bakit? Anong meron?"

"S-si.. Si Kai! Nandito si Kai!"

"Ano?! T*ngina!"

Dahil nga don mabilis na napatingin sa direksyon ko ang lahat at parang mga dagang nagsi-atrasan. Nagkagulo sila at naalarma. Yung iba nalaglag pa ang beer at basong hawak dahil sa gulat pagkakita nila sakin. Napangisi na lang ako sa nakakatuwang reaksyon nila. Tch!

Pero hindi ko sila pinansin at tinuon ko ang atensyon ko kay Nathan na gulat na gulat na nakatingin sakin. Halatang hindi nya inaasahan ang pagdating ko dito sa napaka-bahong teritoryo nila.

Nasa may gitna sya at naka-upo sa mahaba at pula na sofa nya habang may kandong syang dalawang babae.

"Anong ginagawa mo dito?! T*ngina! Paano mo nalaman ang lugar na ito?!" Galit na tayo nya kaya tumalsik yong dalawang babae na nakakandong sa kanya.

"O-ouch! / A-aray!" Tili nong dalawang babae.

Tch!

"T*angina mo! Anong ginawa mo sa bata ko!?" Mas lalo syang nagalit nang makita nya ang bata nya na nasa sahig pa din at namimilipit sa sakit.

I smirked. "Wag kang mag-alala.. Sasamahan mo din syang humiga mamaya sa sahig." Malamig na banta ko bago nawala ang ngisi sa labi ko.

"A-ano?! Gago!" Galit na galit na ang mukha nya ngayon. Natutuwa tuloy ako. "Wag kang mag-yabang dito Kai! Nandito ka sa teritoryo ko! Mag-isa kalang, madami kami! Wala ng reresbak sayo! Hahahahaha! Nilumpo na ng mga bata ko yang mga pipitchuging bata mo! Dito na ang magiging sementeryo mo!" Galit na sigaw nya bago pinanlisikan ang mga bata nya."Ano pang inaantay nyo?! Tirahin nyo na ang isang yan!"

Pagkasabi nya nga non, gulo na ang sunod na nangyari. Mabilis na sumugod sakin ang mga bata nya. Nagkanya kanya silang kuha ng kahoy at baseball bat. Yong iba sumugod na lang basta sakin.

Napangisi nalang ako sa tuwa bago malakas na sinipa tong payat na papasugod sakin kaya tumalsik sya at nadamay yong tatlong kasama nya sa likod!

Tumakbo ako papasok. Mabilis akong napaiwas ng may umakmang hahampas ng baseball bat sakin! Nang hindi ako nito tinamaan ay umamba ulit ito kaya mabilis ko yung pinigilan gamit ang isang kamay ko at sinapak sya!

Sinipa ko sa tyan ang sumunod sa kanya at tumalon ako ng mataas para tuhurin sa muka ang isa pa. Pagkalapag ko sa sahig naramdam kong may hahampas sakin mula sa likod kaya mabilis ko yong nilingon at hinawakan ang kahoy na pamalo nya at hinila sya pahampas sa pader! Mabilis ko ding iniwasan ang suntok na paparating sakin at sinikmuraan to.

Pagkatapos non ay nakita ko mula sa malayo na patakas si Nathan kaya napalagitik ako. Tangina, bakla talaga! Kaya tumakbo ako papunta sa kanya pero nagulat na lang ako ng mapa-higa ako sa sahig dahil may biglang sumuntok sakin ng malakas mula sa gilid ko! Hindi ko sya napansin dahil na kay Nathan ang atensyon ko!

"Fuck!" Mahinang mura ko pagkabagsak ko at pinunasan ang labi ko. "Tch!" Lagitik ko ng makita kong may dugo ang kamay ko!

"Aaaaaargh! T*ngina mo! Mamatay ka na!" Sigaw nya at akma na naman sana akong hahampasin kaya sinipa ko sya sa tyan at tumalsik sya!

Tumayo ako pero mabilis kong napa-iwas nang may suntok na sumalubong sakin! Nakakamatay na tiningnan ko tong walangyang susuntokin sana ako na halatang natakot bago ko sya hinead butt! Tch! Tangina! Mababangasan pa sana ulit ako!

Galit na dinampot ko tong baseball bat na naiwan nya at ginamit pang-hampas sa mga papa-sugod pa sakin! Hampas doon, suntok, sipa, tadyak, sikmura, iwas ang ginawa ko para matalo ko silang lahat. Nasa 40/ kwarenta silang lahat at puro bagsak na matapos ang mahabang minuto ng pakikipag-buno ko. Pinatunog ko ang leeg ko habang tinitingnan silang nakaratay sa sahig bago hinanap si Nathan.

Pero hindi ko sya makita at yong dalawang babae na lang nya na nasa may gilid ng sofa ang nakikita ko. Tch! Lumapit ako sa pwesto nila kaya napaatras sila sa takot. Malamig na tiningnan ko tong babaeng maikli ang buhok.

"W-wag po kuya! H-hindi po namin sila kilal-" Naputol sya sa pagsasalita ng i-angat ko ang baba nya gamit ang dulo ng baseball bat ko at walang emosyon syang tiningnan.

"Nasaan si Nathan?" Malamig na tanong ko dahilan para mas lalo syang manginig sa takot.

"L-lumabas sya.. T-tumakbo sya palabas! D-dyan! Dyan s-sya dumaan!" Garalgal na turo nya sa pangalawang pinto ng hideout nila.

"Tch! F*ck!" Mura ko at mabilis na tumakbo palabas! "Nathan!" Sigaw ko ng makita kong nakasakay na sya sa motor nya at patakas na!

Naalarma sya ng makita nya ako! Kaya wala akong sinayang na oras at patakbo akong lumapit sa kanya para pigilan sya pero pinaharurot nya agad ang motor nya kaya napatigil ako at pinotrektahan ang sarili ko sa mga buhangin na lumipad papunta sakin!

"Pagbabayaran mo ang araw na ito Kai! Gago ka! Gaganti ako sayo! Tandaan mo yan! T*ngina mo!" Galit na sigaw nya sakin bago sya tuluyang nawala sa paningin ko!

"F*ck! F*ck! F*ck!" Sunod sunod na mura ko at binato ang baseball bat na hawak ko dahil sa sobrang inis!

Ang Yaya Naming Scary! (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon