LEVIS POV
"Be careful, Levis. There might be enemies around. Don't be careless."
Kyle whispered to me when we reached the second floor.Sa likod kami nang hideout ni Nathan dumaan kung saan wala kaming masiyadong naka-engkwertro na mga kalaban.
"Tingnan mo ang bawat sulok nang second floor. Kailangan natin mahanap kung saan itinago ni Nathan sila Kai. Kapag may nakita kang kalaban ay suntukin mo ka-agad sa mukha---"
But Kyle and I stopped walking when we saw that many people were lying on the floor!
"Holy shit.." Kyle said in shock as he covered his mouth with his hand.
W-what the hell is this?
Napalunok ako habang tinitingnan ko ang mga itsura nila. Aakalain mong nasa zombie apocalypse ka dahil sa sobrang dami nang katawan ang nakakalat sa hallway nang second flooor!
Halos lahat sila ay walang mga malay at nakabulagta sa sahig. What's happening? Sino ang may gawa nito sa kanila? Paano niya or nila natalo silang lahat?
Kung bibilangin ko kasi silang lahat ay aabot sila sa bente. Ang lalaki pa masiyado nang mga katawan nila at halata mo pa sa kanila na sanay na sila sa bakbakan kaya paano niya or nila nagawang talunin silang lahat?
"L-let's go, Levis." Utal na sambit ni Kyle saka niya ako hinawakan sa balikat ko.
I nod. "Y-yeah."
"I go this way, and you go this way."
"O-okay."
Naghiwalay kaming dalawa ni Kyle para mapabilis ang paghahanap namin kila Kai.
Sa kanang bahagi ako nang second floor pumunta habang si Kyle naman ay sa kaliwang bahagi nang building.
Maingat kong hinakbangan ang mga katawan na nadadaanan ko at sinigurado kong hindi ko sila matatapakan.
Natatakot kasi ako na kapag natapakan ko sila ay baka magigising sila at sugurin nila akong lahat.
Hindi ako sing lakas nila Kai or Rayver para harapin sila kaya mas minabuti ko na lang ang mag-ingat.
Isa isa kong binuksan ang mga pintuan na nadadaanan ko ngunit bigo akong makita sila Kai.
Napaka-tahimik nang second floor at tanging yabag ko lang ang naririnig ko. Patay bukas din ang mga ilaw sa hallway at sobrang lakas pa nang ihip nang hangin dahilan para mas lalong magsitaasan ang balahibo ko sa takot.
Pinagpatuloy ko ang paghahanap ko at hindi ko na namalayan na nakarating na pala ako sa dulo nang second floor.
Binuksan ko ang pinaka-huling pintuan na nandito sa second floor pero katulad nang mga nangyari kanina ay hindi ko matagpuan sila Kai.
Bagsak ang balikat na isinara ko ang pintuan at akma na sana akong maglalakad paalis nang maramdaman kong may malagkit akong naapakan.
Yumuko ako para tingnan ang naapakan ko at halos manlaki ang mata ko sa gulat sa nakita ko!
"A-a blood?!"
"Anong nangyayari, Levis? Bakit ka sumigaw?" Nag-aalalang tanong sakin ni Kyle nang marinig niya akong sumigaw saka siya patakbong lumapit sakin.
Sinundan ko kung saan nanggaling ang dugo na naapakan ko at halos masuka ako nang makita ko ang dalawang lalaki na naka-handusay sa tapat nang isang malaki at pulang pintuan!
Napahawak ako sa bibig ko habang tinitingnan ko ang mga walang buhay nilang katawan! Sinong walang puso ang gumawa nito sa kanila? Paano nila nagawa ang karumal dumal na bagay na ito?!
BINABASA MO ANG
Ang Yaya Naming Scary! (On-going)
Teen FictionMagugulo ang tahimik na buhay nang apat na magpipinsang Monasterio ng may ipakilalang 'yaya' ang Lola Elizabeth nila sa kanila. Kung inaakala nyong normal ang magiging yaya nila, nagkakamali kayo dahil ibang iba sya sa mga yayang makikilala nyo. Is...