Chapter 20

1K 66 21
                                    

KAI'S POV

Lumabas ako sa bathroom ng naka-tapis lang ng puting tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan ko. Pinunasan ko ang buhok ko gamit ang isa ko pang tuwalya at pumunta ako sa harap ng salamin.

Ngunit napalagitik ako ng makita ko ang  daplis ng kutsilyo sa bandang balikat ko. Natamo ko ito sa nangyaring engkwentro nong nakaraang gabi habang papunta ako sa hideout namin.

May mga batang kumag na nag-abang sakin at binanatan nila ako. At hindi ko inasahan na may kutsilyo pala ang isa sa kanila kaya naging pabaya ako at nadale nya ako. Mabuti na lang talaga at nadaplisan nya lang ako sa balikat ko.

Gagong yon! Ang galing dumale.

Tinitigan ko nang mabuti ang sugat ko sa salamin. Bumalik ang gigil ko nang maalala ko kung paano ako pinaglaruan ng mga batang kumag na yon.

Dammit. Ngayon lang nangyari sakin yon. Nakaka-hiya.

Padabog akong umupo sa gilid ng kama ko at inis na tinapon sa sahig ang tuwalya na hawak ko.

"Tch! I should have beaten them until I got fed up so I wouldn't be so annoyed!" I said, angrily.

Sa oras talaga na malaman ko kung sinong hayop ang nag-utos sa mga kumag na yon para banatan ako, magsisisi syang binuhay nya pa ako.

"I will take revenge. I will pay them back. In due time their feet will slip. Their day of disaster will arrive, and their destiny will overtake them." Gigil na bulong ko.

Pero natigilan ako nang may mapansin ako sa likuran ko habang naka-titig ako sa salamin.

Nanlaki ang mata ko at nalaglag ako sa kinauupuan ko nang makita kong may nakaka-takot na babaeng naka-tayo sa likuran ko at naka-titig sakin!

"Waaaaaaaaah! Whitelady!" I shouted.

"Whitelady?" Boses ni Lucy!

Galit na tumayo ako at namumula ang mukhang hinarap ko ang walang kwentang yaya namin ng mapagtanto kong sya lang pala ang parang Whitelady na naka-tayo sa likuran ko.

Abnormal!

"Ayos lang kayo, Master Kai?" Tanong nya sakin kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"N-none of your business!" Asar na sabi ko at galit na dinuro sya. "Why are you standing there like a damn ghost?! Are you damn tripping me?!"

"Hindi, Master.."

"And what are you doing here in my room?! How did you get in here?!"

"Binuksan ko ang pinto.." Walang kwentang sagot nya kaya nanginig ang buong kalamnan ko sa inis at parang gusto ko syang saktan!

This damn girl!

Malakas akong bumuntong hininga at tinalikuran ko sya. Padabog akong umupo sa paanan ng kama ko.

"Ano bang ginagawa mo dito?!"

"Pumunta ako dito para sabihin sayo na may naghahanap sayo sa baba, Master.." Pormal na sabi ni Lucy kaya kunot noong nilingon ko sya.

"Sino naman?!"

"Mga kaibigan mo daw sila.. Apat sila at iniintay ka na nila ngayon sa garden.."

Baka sila Rayver?! Tch! Ano na naman kayang kailangan nila?!

"Sabihin mo sa kanila na mag-intay muna sila dahil magbi-bihis pa ako."

Ang Yaya Naming Scary! (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon