Imbis na nasa trabaho ako ngayong sabado, papunta ako ngayon sa unit ni Vincent. Sabi ko sa coffeeshop masama yung pakiramdam ko kaya sa Monday na ‘ko papasok.
“Lalala.. lalala.." Dala ko yung mga kailangan ko at papasok na ‘ko sa building.. “Kuya Guard, lumabas po ba yung occupant sa 843?”
“Hindi ko po alam Ma’am, gusto nyo po bang tulungan ko na kayo mabitbit?”
Umiling ako. “Okay lang kuya, salamat.” Tapos naglakad na ‘ko saka sumakay ng elevator.
Gosh.. 8th floor pa sya..
Paglabas ko sa elevator.. Infairness sa interior ng building, halatang bigtimes yung mga taong nandito. May ‘s’ yung bigtime kasi marami nun dito. Nasa dulong dulo naman yung unit, nakakapagod maglakad ha? Feeling ko lakad penguin na yung ginagawa ko. Nang tumapat ako sa pintuan nya,
Nagdoorbell ako pero walang nagbubukas. Walang tao?
Sinubukan ko pa ulit ng isa pa pero wala pa rin.. Hindi pwede to!!
Bahala sya.
Pinindot ko ng pinindot yung doorbell hanggang sa bumukas ng pinto.
Napatulala ako sa bumungad sa'king abs. Hindi ko mapunasan yung virtual laway na tumulo mula sa bibig ko.. Topless Vincent ang nag'hello' sa’kin. Halatang bagong gising dahil magulo ang buhok at isang mata pa lang ang nakabukas para silipin ako..
Tama nga yung sabi ni Janice.. Biyaya ng may kapal si Vincent..
“Magkapatid nga kayo.” Mahinang sabi nya.
“N-nino?” Tanong ko. Sino ba namang hindi magsstutter kung bungaran ka ng biyaya ng Diyos di ba? Hallelujah!
“Why’re you here?” Pucha, para lang akong nanonood ng live na Harry Pottah.. May something sa british accent nya na.. SHEMAY!
“Hello?? Slumber party?”
Bigla nya kong sinaraduhan ng pintuan.
“HOY! LLOYD VINCENT PASTRANA!"
Pinindot ko ng pinindot yung lecheng doorbell nya.