A/N: I'm not this fast, people. hahhaa This is years of accumulated drafts, inayos ko lang. hahaha yung mga kasunod baka ayon, weeks na pagitan. hehe. Lalagpas sya ng 100 ah, wala eh, di ko talaga ma-compress. Thank you for reading! :)
**********************************************
Magkasabay kami ni Alice na naglalakad paalis ng park, hiwalay sa magkasintahan na sa kabilang direksyon dumaan dahil nandoon ang kotse ni Lily. Habang naglalakad, hindi ko alam kung anong unang itatanong sa kanya. Kung magtatanong ba ko, magpapaalala o magpaplano para makaalis sya agad dito.
Hindi ko inaasahan lahat ng nangyari kanina, wala kahit sa panaginip ko. It felt as if I was desperately running for something that's not even there. Pakiramdam ko nagmukha nila akong tanga sa harap ni Alice.
"Wag mo kong tratuhin na parang isa na ko sa kanila, Vincent."
"Isa ka na sa'min Alice, baka nakakalimutan mo."
"Wala pa nga akong sinasabi."
"Ang sabi mo kanina okay lang sa'yo, that means you're in. You can't say no to them now."
"Bahala na."
"Bahala na?!" Napahagod ako sa buhok ko. "Anong bahala na?"
"Anong gusto mong gawin ko?! Humindi doon sa loob habang wala ka? O humindi na alam kong wala tayong lalabasan? Di ba sinabihan mo 'kong mag-isip? Ano ba sa akala mo ang ginagawa ko?"
Huminto ako sa paglalakad at tinignan ang likod nya habang naglalakad palabas ng park. "Can we just stop for a second?"
She indeed stopped, swayed her head to face me. Hindi agad ako nakasagot nang dahil sa mga mata nya. She's obviously tired, confused and had teary eyes. Like she wanted to get mad at me but didn't have the energy to do so.
Hinagod nya ang buhok sa pamamagitan ng mga daliri bago nagsalita. "Alam kong naguguluhan ka rin, Vincent. Pero hindi mo ba naiisip ang kalagayan ko? Ordinaryong tao lang ako last year eh. Pumapasok sa school, sa trabaho. Pero nang dumating ka sa buhay ko, parang umikot ng 180 degrees ang mundo ko. Ang alam ko, dapat ikaw ang naguguluhan sa katauhan mo di ba? Bakit pati ako ganyan ang nararamdaman ngayon? Na parang bang hindi ko na alam kung s-sino ba t-talaga a-ako..." Sinubukan nyang lumunok nang ilang beses because she's choking on those last words she didn't bother wiping her tears. "Anak ako ng isang housewife.. Anak ako ng isang tatay na nagtatrabaho sa opisina.. Sa public school lang ako nag-aral.. Gusto ko lang naman maging nurse.. Gusto ko lang ng totoong mga kaibigan.."
Tuluyan na syang yumuko sa mga palad nya at humagulgol dito. Ilang segundo pa ang lumipas, humigit pa sya ng hininga, as if pulling herself together, bago muling tumingin sa'kin. "Ano bang dapat kong gawin, ha? K-kasi.. Ang.. h-hirap.. P-pwede b-bang.. K-kahit..--"
And I lost it right there. Mabilis akong naglakad papunta sa kanya at niyakap sya nang mahigpit. Tighter than I've ever hugged someone before. I was terrified the whole two days knowing that she's with those people pero hindi ko man lang naisip ang nararamdaman nya. I was too selfish, way too selfish for her.
Pinabayaan ko syang umiyak nang malakas at magsalita kahit na wala akong naiintindihan sa mga sinasabi nya. Kahit na nahihirapan syang huminga at walang tigil ang pagtulo ng mga luha nya at basang-basa na ang dibdib ko. Ako dapat ang unang nakaintindi sa kanya pero naunahan ako ng sarili kong takot. Nararamdaman nya dapat ang iniintindi at inuuna ko because she's adjusting to my world, not the other way around. Tama sya. Ordinaryo ang naging buhay nya kung ikukumpara sa'kin. I should have guided her, asked her how she's adjusting and if she's puzzled, I should be the one explaining every little thing she's confused about. Instead, I let myself be eaten by my fears at nakalimutan kong unahin ang pinakaimportante sa lahat: sya.