Chapter 45

25K 248 40
                                    

“And for that.. let’s go out? where would you wanna go?”

Mag-eempake na kaya ako para sumama sa kanya? Haha! Joke lang. Syempre, dalagang filipina tayo. Kalma, Alice. Wag tatalon sa saya. Kailangan kong sawayin ang sarili ko dahil kundi.. alam na.  “Sa’n tayo pupunta?”

“Ikaw nga tinatanong ko di ba?”

Shet? Kasama pa rin ba to sa lasing memories na pagsisisihan ko? Tinatanong nya kung anong gusto ko? Teka lang ah, anong nangyayari? Lumapit ako kay Vincent at sinalat ang noo at leeg nito. ”May lagnat ka ba?”

Hinawi nya naman ang kamay ko. “Wala.”

Nagluto na sya, hindi sya nagalit sa mga sinabi ko kagabi.. tinanong pa nya kung saan ko daw ‘GUSTONG’ pumunta.. Anong nangyayari? Ako ba ang may hangover o sya?

Pinaekis nya ang dalawang braso sa ibabaw ng dibdib nya. “Ano? Pag nagbago isip ko, ayoko na.”

“Sige, mag-iisip muna ko. Pero gusto ko sana sa park. Kahit saan, basta may punong malalaki saka damo.” Sabi ko mag-iisip muna ako di ba? Bakit may lugar na agad akong sinabi?

Tumawa naman sya at ginulo ang buhok ko. “Babalik ako.” Saka sya tumalikod.

Nang lumabas sya ng apartment ko, para akong manok na naambunan sa kakalakad ko. Ano nang uunahin ko? Teka? Ano munang gagawin ko?

Napahinto ako sa paglalakad. Bakit ako nagpapanic? Kanina pa ‘ko ganito ha? Sobrang hindi ako makapaniwala na.. May nasabi ba ako na hindi ko naalala? Pinilit ko ba sya na lumabas kami tapos may kapalit? Nako, ang hilig noon sa ganun. Kailangan hindi sya dehado at laging fair ang usapan.

Takte, ANONG KAPALIT? Puschiang buhay naman oh.. Hindi na talaga ako iinom ng alak simula ngayon..

Dali-dali akong pumunta sa cabinet ko para humanap ng damit. Nag-Tshirt na puti na lang ako na ipinaris ng shorts at rubber shoes. Medyo hindi pa maayos ang pakiramdam ko pero hindi bale, bibili na lang ako ng gamot sa sakit ng ulo mamaya. Hindi naman siguro ako magkocollapse nang dahil sa hang over di ba?

Binuksan ko muna ang TV at kumuha ng mga unan para higaan.

Sa’n kaya kami pupunta? Ano bang lugar na may puno? Ano namang gagawin namin doon? Nako, pag nagbago isip noon, sya na naman masusunod. Magsasayang lang ako ng cells kapag inisip ko pa yon. Every second. milyun-milyon ang cells na pumuputok sa katawan natin at napapalitan ito ng bago. At habang tumatanda tayo, pabagal nang pabagal ang regeneration ng mga cells kaya tayo tumatanda..

Nag-aaral ako sa klase, hindi lang halata. Hindi ko rin alam kung bakit ko naisip yung cells kung wala namang kontekta sa naisip ko. May term paper pa nga pala akong ginagawa, hindi ko pa natatapos. May mga quiz pa ko pero wala pa kong narereview na subject ni isa.

ViperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon