Chapter 83

8.8K 268 75
                                    

Napagkasunduan namin ni Vincent na sa loob ng Intramuros nagkita, sa Memorare Manila. Okay lang na doon kami since konti at hindi masyadong maliwanag ang mga ilaw sa poste, marami pang puno. Kumain muna ‘ko sa pinakamalapit na carinderia, along General Luna rin, masyado yata akong excited sa mangyayari.

Kanina pa tumatakbo sa isip ko kung sasabihin ko ba kay Vincent ang nakita ko sa opisina ni Sir George. Hindi ako sigurado sa impormasyon at baka mauwi na naman sa wala ang lahat kapag nagpadalos-dalos ako sa pagbibigay ng pangalan katulad ng una kong ginawa. Saka hindi rin talaga pwedeng sya ang batang matagal nang nawawala, parang ang labo kung titignan. Batang abandonado lang ang kinukuha ng ORG, bakit kukuha sila ng batang may kumpletong pamilya?

Alas diyes ang usapan pero pasado alas dose na ng umaga nang makita ko sya sakay ng motor nya, geared from head to foot. Huminto sya sa tapat ko at nagtanggal ng helmet. “Sasalubungin natin sa Roxas Boulevard tapos bahala ka na sa buhay mo.”

Tumango lang ako. “Pag nakita mo ‘kong lumiko pakanan, kumaliwa ka.”

“Huwag mo lang tatamaan ang gulong. Mahilig ka mag-ala action star.” May isang insidente kasing ginawa ko ‘yon, muntik na syang madaganan ng mismong kotse dahil lumipad ‘yon sa gawi nya. Malay ko ba, babanggain ako nung kotse. Alangan namang pabayaan ko lang yon.

“Bakit ngayon ka lang?” First time nyang ma-late sa itinakdang oras at sobrang laki pa ng pataan nya. Parang binawi nya lahat ng pagkakataon na pwede syang ma-late.

“Kakanta pala sa Diamond Hotel ang kapatid mo. Kung hindi pa sinabi ni Aspen na papunta si Alice dito sa Roxas Boulevard, hindi ko pa malalaman.”

Napadiretso ako ng upo sa motor. “Pumunta ka ng Diamond Hotel?”

“Hindi, inabangan ko ang sinasakyan nya. Pinababa ko sa tulay malapit do’n.”

Sa tulay ng Pasig?! “Delikado sa tulay na ’yon! Bakit do’n mo sya pinababa?!”

Tinitigan nya ko nang masama na para bang nainsulto sya sa sinabi ko. “Ako ang kasama nya baka nakakalimutan mo.”

Sa bagay, may point sya. “Nasa’n na si Alice?”

“Hinatid ko muna sa apartment nya saka bumalik dito. Muntik ko nang itali sa hagdan ‘yon, manahimik lang ang paa sa kakalayas.”

Kaya pala inabot sya ng alas dose. Sinipat ko ang magkabilang kamay at bulsa nya. “May dala ka bang kahit ano?”

He shrugged. “Kapag binato ko ‘tong kutsilyo ko, chances are baka hindi na ‘to bumalik sa’kin o makuha ko pero maraming makakakita sa’kin.”

Hindi na ‘ko nagulat na wala syang dala, lagi naman ganyan yan. Umalis ako sa sariling motor at binuksan ang compartment. Mula doon, hinagisan ko sya ng itim na FNX 45 tactical pistol na may silencer at isang magazine.

Tinignan nya ang hawak at sinuri. “Kwarenta’y singko?”

ViperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon