Chapter 71

15.6K 221 91
                                    

Tapos ng assignment sa Paris, akala ko talaga didiretso na kami ni Drew sa susunod nang matapos na pero napunta kami sa mga lugar na nakapalibot dito. Para kaming nasa isang European tour sa isang buwan na inilagi namin dito dahil sa dami nang napuntahan namin. Nagsimula kami sa Versailles kung saan dinaanan namin ang temple of love..


Temple of love kung saan sobrang daming bulaklak sa gitna ng isang quadrangle. Yun lang naalala ko tapos wala na, nakafocus na ulit ako sa ngiti at tawa nya sa’kin. Tapos yayakapin nya ko.. yayakapin ko rin sya..

 

So, this is Andrew.

 

Affectionate. Super. He never fails to hold my hand every time. Every day. Mas open kami ngayon sa skinship tulad ng pagyakap ko sa kanya occasionally. Syempre kapag may occasion lang like nilalamig ako o nilalandi ko sya. Pero mas madalas yung nilalamig ako dahil kakasimula lang ng winter and the weather drops continuously. Minsan he’ll grab my waist and squeeze me tight, another time he’ll kiss my forehead and also squeeze me tight.

 

I seriously hate cold places pero ngayon na-eenjoy ko na sya. Kasi.. nandyan sya para painitin ang malamig kong kamay. Wala eh, hanggang dun pa lang kami.

 

Pumunta rin kami sa Nomandy, sa bahay kung saan ipininta ang Monalisa. Sa Giverny.. at Rouen kung saan na-execute si Joan of Arc. My Shrine sila doon to commemorate what happened.

 

Anong ginawa namin? Wala. Pinatawa lang nya ako nang pinatawa habang kinukwentuhan tungkol sa lahat ng mga napuntahan namin. Turo sya nang turo sa mga sculptures, sceneries at buildings pero ang utak at focus ko eh nasa kanya lang. Tinanong ko tuloy sa sarili ko kung gusto nya ba talaga na kunin ang kurso nya ngayon which is Law. Ang dami nya kasing alam sa mga lugar na pinupuntahan namin.

 

“Do you want to be ah.. historian or stuffs like that?” tanong ko sa kanya tapos kumain sa isang restaurant dito sa Rouen.

 

“No,” he crossed his legs. “Gusto ko lang talaga malaman ang pinagmulan ng mga building at landmarks, it’s fascinating.”

 

After few talks, nag-aya na syang bumalik sa hotel na tinutuluyan namin. Syempre, sa isang buwan na tinagal namin dito, hindi kami nagsama sa isang kwarto. I get that ‘gentleman thing’ that’s happening pero minsan iniisip ko na kahit minsan bastusin nya naman ako. Yung tipong magugulat ako kasi paglabas ko ng banyo(syempre nakatapis lang ako), magugulat ako na nakahiga na sya sa kama ko at ready na sya. Anytime naman ako eh, sya lang hinihintay ko.

“Lily,”

 

“Oh?” Nandito na agad kami sa tapat ng kwarto ko? Agad akong humarap sa kanya.

 

Ayan, eto yung lagi kong nararamdaman aside sa butterflies at goosebumps. I got that feeling na.. may something. Yung titignan ka nya nang ganito out of the blue tapos kapag nahuli mo yung tingin nya, parang may gusto syang sabihin.. na..

 

Shet. Malakas talaga ang kutob ko. Sa sobrang lakas, sabi ng puso ko sya na daw.

ViperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon