Chapter 15

26K 298 33
                                    

Nakaupo ako ngayon sa bintana ng eroplano na sinakyan namin papuntang Hongkong. Kanina pa ko nagpipigil ng galit at asar dito kay Ace. Nasagad na nya yung pasensya ko sa inakto nya.. Ang usapan kasi namin, hahayaan muna na mapunta kami nung subject sa gitna ng gubat, saka papatayin para malinis.

Matakin mo ba namang biglang undayan ng suntok sa mukha nung subject e wala pa kami sa gitna?

Pa’no kung may makakita sa’min dun? Nasa bungad pa lang kaya kami?! Nakakabadtrip. Saka kinabahan talaga ako sa inakto ni Ace kasi may dalang pistol yung subject namin. Tapos yung time na sinuntok sya ng kasama ko, hindi pa talaga nakabitaw totally yung subject sa’kin kaya inunahan ko na rin..

Strategy nga tapos sinisira nitong hayop na ‘to.

Tapos namin mapatay, nag-away pa talaga kami. Kinompronta ko kasi sya tungkol dun sa usapan na nasira. Ang hina-hinahon ko tapos bigla akong sinabihan nang, ‘Anong nasira? Ang sabihin mo, gustong gusto mo yung ginagawa nya sa’yo kaya gusto mo pang pahabain.’

Tapos nagwalk out!

Ay punyeta! Sinong magkakagusto dun sa tuyong itik na yon?! Kahawig kaya ni Babidi yon! LAKAS MAKAPIKON! Cold treatment sabay pagsasalitaan ka ng gano’n?! Sakit nya sa bangs ah!

Simula noon hanggang ngayon dito sa eroplano hindi pa rin kami nag-uusap. Nakatingin lang ako sa bintana tapos sya.. Ewan ko dyan, bahala sya sa buhay nya. Parang ako pa yung may kasalanan dun sa nangyari.. Gusto ako pa unang makikipag-usap? Leche sya, manigas sya dyan.

Naghalungkat ako ng bag ko para kunin yung headset at phone ko.. nang narinig ko yung mahinang tawa nya. Paglingon ko, nakatingin sya sa cellphone nya habang nagpipipindot. Sino na naman yang kausap nyang hayop na yan?

Nang hindi ako makatiis, tinanong ko sya.

“Sino yan.” Aba, magkocold treatement din ako.

“Si Viper.” Sagot nya.

“Bakit kung makangiti ka dyan ‘kala mo nanalo ka sa lotto,”

“Something came up. He’s really annoyed.”

“Masaya ka pa?”

“Natawa ako kasi aliw na aliw ako sa kanya. I’ve never seen him this annoyed before.”

“Bakit daw ba sya naiinis?”

“Sa’n daw sya matutulog ngayon.. He’s totally whinning over it. Kung pinagkakaisahan daw ba namin sya ni—” Bigla na lang syang tumahimik.

“Nino?”

ViperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon