Pagsapit ng Monday, parang walang nangyari.Pero may nakakagulat na pangyayari pagdating namin sa school.
PRELIMS NA.
Paksyet lang! Nataranta talaga ako nung nagbibigay na ng test questions.. Hindi ako nagreview..
Nang makuha ko na yung test paper ko, para akong nagka-amnesia.
Ano ulit ‘to?
Pilit kong iniisip yung mga lecture nung Prof namin.. Deym. Konti lang yung naaalala ko.. Agad kong nishade sa scantron yun mga sigurado ko ng sagot.. Kung makagamit ako ng ‘mga’, akala mo ang dami kong sagot.
Katabi ko pa rin naman si Vincent, pero set A kasi sya.. set B ako.. T__T
Wala naman akong intensyon mangopya pero.. sa dami ng kamalasang nangyayari sa’kin, hindi ko na alam kung anong unang iisipin.. Eto na yata yung moment na kailangan ko nang magself-loathe. Nakaaasar kasi na halos bakante yung mga bilog sa scantron ko..
Ang tanga -tanga ko.. T___T
After 10 minutes, biglang may humila ng test question ko. Palingon ko, binigay nya sa’kin yung test questions nya saka tinignan nya ako at sinensyasan na wag tumitig sa’kin. Pagtingin ko sa test question, may note sya dun.
‘Magshade ka na lang, nakakaaawa ka tignan.
Wag mo lagyan ng pangalan yung scantron.’Tinignan ko yung mga tanong.. nasagutan nya lahat.
Within 10 minutes.Sinimulan ko nang magshade.. at nang matapos ako, binura ko yung note nya. Ay ang talino nga, hindi bumakat yung note nya. Hehe.
Pagkatapos ulit ng 10 minutes, bumalik sa’kin yung walang laman na scantron at test question ko. Again may note.
‘Magpasa ka after 30 minutes.’
Sinulat lang nya yung pangalan, section at kung ano pang kailangan tapos tumayo na sya at nagpasa. Saka lumabas ng room. Halos lahat ng kaklase namin nakatingin sa kanya, paglabas nya.
Pag tingin ko naman kay Lester, napailing lang sya at mukhang natatawa pa. Kung alam lang nya na tapos na talaga si Vincent sa subject na ‘to, hindi yan magmamayabang nang ganyan.
Binagalan at ginandahan ko pa yung pagkakashade ko para umabot man lang kahit seven minutes.. Binasa ko naman yung mga tanong saka yung sagot nya.. Yung iba hindi ako sure, yung iba mukhang tama naman.. Haha. Hindi nga ako nagreview!
Tapos nagpasa na din ako at lumabas ng room. Nakita ko sya sa dulo ng hallway, malapit sa hagdanan. Agad naman akong lumapit.
“Medyo mahirap yung set nyo, nalito ako ng konti.”