A/N: Remember that moment when readers actually comment something other that 'UD please/Kailan update'? Wala lang, namiss ko lang. Hahaha! 'Cause it 'forces' me to comment back lalo na kapag nakakaaliw yung mga nababasa ko. Hahahaha!
*************************************************
"Alice!"
"Oo, lalabas na!"
Nagmamadali akong umahon sa bathtub at nagbanlaw. Buong umaga akong nakababad dito habang kumakain ng sliced fruits at nanonood sa TV na biglang lumalabas sa salamin ng vanity table.. Hashtag yayamanin. HAHAHAHA! Ang totoo nyan, may hinahabol kaming flight. Makulit lang talaga ako. Hehe.
Matapos magbihis, nilulon ko na lang lahat ng natirang prutas sa bowl ko tapos tumakbo palabas ng kwarto kasama ng backpack ko. Nadatnan ko si Vincent sa pinto, nakahawak sa doorknob at salubong ang mga kilay. "Akala ko dadalhin mo na pati ang buong banyo."
Kumapit ako sa braso niya nang mahigpit. "Hindi kasya sa bag ko."
Inirapan niya lang ako at hinila palabas ng kwarto. "You've been watching the telly?"
"Telly? Tubies?"
Humagigik siya sa sinabi ko. "Television."
"Ang kyot nyan, British slang?"
Tumango lang siya.
"Turuan mo ko nyan, ha?"
"You should live in England if you want to learn slangs."
"Sungit."
Treinta minutos ang lumipas at nakarating rin kami sa airport sakay ng taxi. Sobrang taas ng ceiling nila dito at sobrang daming tao din. Muli akong kumapit sa braso niya para lang safe. Feeling ko mawawala ako kapag hindi ako kumapit sa kanya. May nakasalubong pa kong kamukhang-kamukha ni Captain America kaso rugged yung get-up niya. May suot na beanie tapos nakasando at cargo shorts.
Takot ako noong dumaan sa gilid ko. Baka biglang lumipad yung shield niya. Hahahaha!
Nakapasok na kami sa departure area at umupo sa isa sa mga bakanteng upuan doon. Bumitaw siya sa pagkakapit ko at tumayo. "Bibili ako ng pagkain saglit, may gusto ka ba?"
Ako lang pala ang kumain kaninang umaga. "Fruit juice."
"Wala na?"
Medyo nag-iba ang tono ng boses niya kaya nagtaka ako. Tyempo nang tumingin ako, inabot naman niya ng wallet sa back pocket niya kaya nagtanong na lang ako. "Saan ka ba bibibli ng pagkain?"
"Hindi ko pa alam pero kapag may nakita akong magugustuhan mo, ibibili na lang kita."
Hindi ko na pinansin ang napuna ko, siguro nag-iinarte na naman ang tainga ko. "Sige."
Yun lang at umalis na siya.
Kinuha ko sa bag ang MP3 player ko at nakinig. Kabisado ko na nga lahat ng kanta dito kaya kailangan ko na makahawak ng computer at makapag-download na ng bagong kanta. Ano na kayang bagong kanta ng mga favorite artist ko? May mga bago na kayang singer na naglabas ng bagong kanta? Ano na kayang mga bagong libro ngayon? Ano na kayang nangyayari sa Pilipinas? Sa mga kaibigan ko? Sa pinsan ko? Sa school? Kailan kaya ako makakapag-aral?
Hay.. wala na akong kaalam-alam sa mundo. Siya na lang ang lagi kong alam. Hindi naman sa nagrereklamo pero.. Hahahaha! Konting balita naman sa outside world, please? Nakamit na ba ang world peace?