Chapter 98

2K 141 74
                                    

Note: Thank you for waiting this, whoever you are, how many you all may be. I never imagined na may maghihintay ng ending nito sa sobrang tagal. Lol. Thank you to the reader who gave me the necklace(won't mention you, alam kong kilala mo kung sino ka. hehe). I wore it everyday for the last 4+yrs, to remind me to finish this story. To give the readers the satisfaction of a whole story with an ending. This is the least that I can pay you with. And thank you all for believing in me, giving me the time to experience life at maghintay para rito. Thank you, thank you. <3
********************************************************






Sampung minuto na akong nakatayo sa harap ng pintuan ng ORG Hall pero pakiramdam ko parang hindi ko kayang pumasok. Everytime na lalapat ang palad ko sa kahoy na pintuan na 'to, lalong bumibilis ang tibok ng puso ko at nanginginig ang kalamnan ko dahil naalala ko si Anya at Bullet.

The second Viper left George at the restaurant and called me, he had everything figured out. Routes and means were explained to me in great detail, equipped with reasons that I couldn't contradict. Pati na rin ang pagsama sa kanya ng kapatid ko. He was really determined to leave with or without Alice. Binigyan nya rin ako ng choice kung iiwanan nya sa'kin ang kapatid ko. We both know she would not be safe beside me at mahihirapan din ako dahil dalawang tao na ang tinitignan ko kaya kahit labag sa loob ko, hinayaan kong isama ni Vincent ang kapatid ko. May usapan naman kaming iiwan nya ang si Alice sa isang liblib na lugar na malayo sa Pinas kaya isa lang ang hiniling ko sa kanya.

'Leave her in a safe place as soon as you see fit.'

But it didn't happen. I was so fucking confused with almost everything that had happened since they left. Akala ko nga iiwan niya na si Alice sa Peru pero hindi nangyari. Si Aspen lang ang nakakausap ko dahil sya ang nagdadala ng mga papeles mula sa'kin papunta kay Vincent. Nabanggit pa ni Aspen ang mga tanong ko sa kanya at sinabi naman ni Vincent na aalis na sya sa kalagitnaan ng trip nila sa Las Vegas ngunit wala pa rin. Alam naman nyang mas madali silang hanapin kapag magkasama silang dalawa at kaya naman ni Alice ang mamuhay mag-isa. Alam din nyang pinapaalis ko sya agad dahil ayokong mas lalong ma-attach masyado sa kanya si Alice pero ewan ko ba. It doesn't make sense. Hindi nya ugaling mag-bali out sa usapan lalo na kung seryoso ito at kasama naman talaga sa proposed na plano nya yon.

Ngayon ko lang nakitang hindi sumunod sa plano si Viper. Hindi ko alam kung mabubwisit ba ako, maiinis, magagalit o mamamangha. Hindi na rin ako nagulat nang may dumating sa'kin na imbitasyon galling sa ORG na kamukhang-kamukha nang na tanggap ko noong biglang nawala si Bullet. Nagtataka kami dahil walang natanggap si Lily na kahit ano. Masama man tong naiisip ko pero kung papapiliin ko kung sino ang makikita ko, nananalangin ako na sana si Vincent ang makita ko sa loob ng ORG Hall, hindi si Alice. Alam kong makasariling panalangin ito pero hindi ko kayang..

Huwag sana si Alice.. Huwag sya..

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago itinulak ang malaking pintong ito gamit ang natitira kong lakas. Tumunog ang tarangkahan at nagulat ako sa nakita ko: Isang puting eight-seater na mesa sa gitna ng hall.

"Andrew!" Tawag ni George sa'kin. "We've been waiting for you."

He was seated at the left-most side of the table, but stood up as he saw me.

Everything inside this hall has an eerie feel to it. Sa sobrang dilim ng hall, ang dalawang nasa gitna lang ng walong chandeliers na nakasabit ang bukas at tanging ang malaking mesa lamang ang naliliwanagan. Sa disenyo ng lugar na para bang lalamunin ka ng mga itim na sulok at kisame. Bawat pagtapak ko papalapit sa mesa, mas lalong kong nararamdaman ang pagkalito pero hindi maalis ang matinding takot sa utak ko. This scene was not what I expected and I was really thankful for that pero alam kong may kapalit ito. At doon ako natatakot.

ViperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon