Chapter 51

23K 227 34
                                    

Pangatlong araw ko 'to na kinukulit si Vincent na puntahan ang tita nya. Kahit tita nya lang.. pero ayaw nya.

 

“Dali na, para kahit tita mo lang makausap mo bago ka umalis.” Hindi ko naman pinauulit-ulit sa kanya ang pag-alis nya kundi sa sarili ko. Ayokong pagdating noong panahon na wala na sya, saka pa lang magsisink in sa’kin yun.

“Ayoko nga.”

Nasa apartment sya ngayon at nakikikain na naman sa tanghalian ko. Wala kaming klase sa dalawang subject ngayon kaya nakatunganga kami. Maganda ring tyempo ‘to para puntahan ang tita nya bago ang shift ko sa CMAN.

“Alam kong alam mo kung saan sya nakatira, Vincent.. Dali na, ” Tinulak-tulak ko pa sya para kulitin. Gusto ko lang maranasan nya yung feeling na may kamag-anak sya.

“Ibibigay ko sa’yo address, ikaw pumunta.” Subo ng kanin at portion ng karne na galing sa sinigang na niluto ko.

“Tita ko ba yon? Bakit ako pupunta? Sasamahan na lang kita.”

“Wag makulit, noong isang araw ka pa.” Inubos na nya yung huling serving na nasa plato nya. Pumikit sya at ngumiti.. nag-inat. “AAAhhhh.. Sarap.” Saka nya kinuha ng remote ng TV ko at sumandal sa pader.

“Ako na naman maghuhugas ng plato, leche ka? Nahiya naman ako sa’yo, nakikikain ka na dito halos linggo-linggo! WALA NA KONG SUPPLIES!”

“Eh di bumili ka, marami ka namang pera.” Lipat nang lipat ng channel, wala naman syang mapapanood na matino sa TV ko.

Niligpit ko ang hapag kainan at napilitang maghugas dahil kahit anong gawin ko, hindi naman maghuhugas ng plato ‘tong hayop na ‘to. “Dito ka na lang kaya tumira no? Tutal parang ganun din naman.” Sarcastic talaga ang pagkakasabi ko.

“Pwede rin, kaso hahanapin ako ng kuya ko.”

“Wala naman kuya mo dito di ba? Pa’no nya malalaman na hindi ka umuuwi sa unit mo?” Wala lang, Sabi kasi nya wala sa bansa ang kuya nya. Unless na sabihin nya sa kuya nya na hindi sya umuuwi ng unit.

Natawa na parang naaliw naman si Vincent sa sinabi ko. “Are you asking me to move in with you?”

Nanlaki ang mga mata ko saka narinig. “H-HINDI NO?! A-ano..” GRABE! Ano bang iniisip ko kanina? Kung ano na lang ang pumasok sa isip ko, yun na lang ang sinabi ko. Sabi ko nang ayoko maging komportable sa kanya tapos nangyayari to? Nabobobo ka na naman, Alice?

Inalog ko ang utak ko. Shet, basa pala ang kamay ko sa paghuhugas ng pinggan. Nagkaroon tuloy ng bula ang buhok ko. humarap na ulit ako sa lababo at muling hinawakan ang plato.

“Ano?” Sounds like he’s daring me.

“Never akong titira sa iisang bubong kasama ang isang lalaki hangga’t hindi pa kami kasal.” Tama naman di ba? Ganun talaga dapat ang mangyari. Kung may mga magulang nga lang ako, gusto kong kausapin nya muna ang nanay at tatay ko bago nya hingin ang kamay ko.

ViperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon